Mga Patakaran sa Paghahain ng Reklamo Tungkol sa Pagkakapareho sa Pagsunod sa Batas (Uniform Complaint Procedures)
i. Polisiya
Ang Distrito ang may pangunahing responsibilidad sa pagtitiyak ng pagsunod sa naaangkop na pang-estado at pederal na mga batas at regulasyon na ipinatutupad sa mga programang pang-edukasyon. Hinihikayat ng Lupon (Board) ang maaga at impormal na pagkakaroon ng resolusyon sa mga reklamo, kapag posible at naaangkop ito. Upang magawan ng resolusyon ang mga reklamo na hindi malutas sa pamamagitan ng gayong impormal na proseso, ipinatutupad na ng Lupon ang magkakaparehong sistema ng pagpoproseso sa mga reklamo, na natukoy sa 5 CCR 4600-4694, at sa kasama nitong administratibong regulasyon.
Gagamitin ang uniform complaint procedures (mga patakaran sa paghahain ng reklamo tungkol sa pagkakapareho sa pagsunod sa batas, UCP) ng Distrito para imbestigahan at gawan ng resolusyon ang mga reklamong nauukol sa mga sumusunod na programa at aktibidad:
- a. Mga akomodasyon para sa buntis at magulang na estudyante (Kodigo sa Edukasyon o Education Code 46015)
- b. Mga Programa para sa edukasyon ng nasa sapat na gulang o adult education programs (Kodigo sa Edukasyon 8500-8538, 52334.7, 52500-52617)
- c. Mga programa para sa Edukasyon After School o matapos ang klase at para sa Kaligtasan (Kodigo sa Edukasyon 8482-8484.65)
- d. Pang-agrikulturang career technical education o teknikal na edukasyon para sa mga karera sa kinabukasan (Kodigo sa Edukasyon 52460-52462)
- e. Career technical at teknikal na edukasyon at mga programa sa pagsasanay sa career technical at teknikal na gawain (Kodigo sa Edukasyon 52300-52462)
- f. 8200-8498 Mga programa para sa pangangalaga at pag-unlad ng bata (Kodigo sa Edukasyon 8200-8498)
- g. Pampaalwang edukasyon o compensatory education (Kodigo sa Edukasyon 54400)
- h. Consolidated categorical aid programs o mga espesipikong programa na tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaan (Kodigo sa Edukasyon 33315; 34 CFR 299.10-299.12)
- i. Mga takdang panahon ng klase o course periods na walang pang-edukasyong nilalaman, kung saan itinatalaga ang mga estudyanteng nasa mga grado 9-12 sa gayong mga kurso nang mahigit sa isang linggo sa anumang semestre o sa kurso na dati nang katanggap-tanggap na nakompleto ng estudyante, maliban na lamang kung natutugunan ang mga natukoy na edukasyon (Kodigo sa Edukasyon 51228.1-51228.3)
- j. Diskriminasyon, pangha-harass o panliligalig, pananakot, o pambu-bully o pang-aapi, sa mga programa at gawain ng Distrito na direktang pinopondahan o tumatanggap ng, o nakikinabang sa anumang pinansiyal na tulong ng estado, nang nakabatay sa aktuwal o inaakalang katangian ng lahi o etnisidad, kulay, mga ninuno, nasyonalidad, bansang pinagmulan, katayuan sa imigrasyon, identipikasyon sa etnikong pangkat, edad, relihiyon, estado sa pag-aasawa, pagbubuntis, o estado ng pagiging magulang, kapansanang pisikal o kapansanan sa isip, medikal na kondisyon, kasarian o sex, seksuwal na oryentasyon, kasarian o gender, identidad ng kasarian, ekspresyon ng kasarian, o henetikong impormasyon, o anumang iba pang katangian na natukoy sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 200 o 220, Kodigo ng Gobyerno (Government Code) 11135, o Kodigo Penal (Penal Code) ng CA 422.55, o batay sa pakikipag-ugnay ng indibidwal sa tao o pangkat na nagtataglay ng isa o higit pa ng mga aktuwal o inaakalang katangian (5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4610)
- k. Mga itinatakda para sa edukasyon at pagtatapos sa mga estudyanteng nasa pangangalagang foster (nasa pangangalaga ng gobyerno), estudyanteng walang tahanan o homeless, estudyanteng mula sa pamilyang militar, estudyante na dating nasa paaralan ng hukumang pangkabataan (juvenile court school), migranteng estudyante, at imigranteng estudyanteng lumalahok sa programa para sa bagong dating na migrante o newcomer program (Kodigo sa Edukasyon 48645.7, 48853, 48853.5, 49069.5, 51225.1, 51225.2)
- l. Batas na Magtatagumpay ang Bawat Mag-aaral o Every Student Succeeds Act (Kodigo sa Edukasyon 52059; 20 USC 6301 at ang mga sumusunod o et seq.)
- m. Local control and accountability plan o plano para sa pamamahala at pananagutan ng mga lokal na ahensiyang pang-edukasyon (Kodigo sa Edukasyon 52075)
- n. Edukasyon para sa migrante (Kodigo sa Edukasyon 54440-54445)
- o. Mga minuto sa pagtuturo ng pisikal na edukasyon o Physical education instructional minutes (Kodigo sa Edukasyon 51210, 51222, 51223)
- p. Mga singil sa estudyante (Kodigo sa Edukasyon 49010-49013)
- q. Makatwirang akomodasyon sa nagpapasusong estudyante (Kodigo sa Edukasyon 222)
- r. Mga rehiyonal na sentro at programa para sa paghahanda sa karera at trabaho o regional occupational centers and programs (Kodigo sa Edukasyon 52300-52334.7)
- s. Mga plano ng paaralan para sa pagtamo ng akademikong tagumpay ng estudyante ayon sa itinatakda ng pinagsama nang aplikasyon para sa natukoy nang pederal at/o mula sa estadong categorical funding o espisipikong programa na tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaan (Kodigo sa Edukasyon 64001)
- t. Mga plano ng paaralan para sa kaligtasan (Kodigo sa Edukasyon 32280-32289)
- u. Mga konseho ng paaralan ayon sa itinatakda ng pinagsama nang aplikasyon para sa natukoy nang pederal at/o mula sa estadong categorical funding o espisipikong programa na tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaan (Kodigo sa Edukasyon 65000)
- v. Mga programa ng estado para sa mga preschool (Kodigo sa Edukasyon 8235-8239.1)
- w. Mga usapin sa kalusugan at kaligtasan sa mga programang hindi kasama sa pagpapalisensiya o license exempt na nasa mga preschool ng estado (Kodigo sa Edukasyon 8235.5)
- x. Anumang reklamo na nagbibintang ng pagganti laban sa complainant o nagrereklamo o iba pang kalahok sa proseso ng pagrereklamo na kumilos upang maglantad o mag-ulat ng paglabag na sakop ng polisiyang ito.
- y. Anumang iba pang-edukasyong programa ng estado o pederal na gobyerno na itinuturing na naaangkop ng Superintendente ng Pampublikong Instruksiyon o ng itinalaga nito.
Mag-iimbestiga ang Distrito at hahangarin nitong malutas, nang naaayon sa ating Uniform Complaint Procedures o mga Patakaran ng Uniform Complaint (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso), ang mga reklamong nagbibintang ng kabiguang sumunod sa naaangkop na mga batas at regulasyon ng estado at pederal na gobyerno, kasama na ang, ngunit hindi nalilimitahan sa, pagbibintang ng diskriminasyon, pangha-harass, pananakot, o pambu-bully o hindi pagsunod sa mga batas na kaugnay ng lahat ng programa at atibidad na ipinatutupad ng Distrito at nasasakop ng Uniform Complaint Procedure. May makukuhang kopya ng form para sa Uniform Complaint sa Handbook na ito.
Protektado mula sa pagganti ang lahat ng indibidwal na maghahain ng reklamo ayon sa pagsunod sa polisiya ukol sa mga Patakaran para sa Universal Complaint ng distrito. (Kodigo sa Edukasyon 234.1, 5 CCR §4621(a)). Inaabisuhan ang lahat ng indibidwal na magfa-file o maghahain ng reklamo nang naaayon sa Uniform Complaint Procedure ng Distrito ukol sa kanilang karapatan na magkaroon ng mga remedyo batay sa batas sibil sa ilalim ng mga pang-estado o pederal na batas ukol sa diskriminasyon, pang-haharass o panliligalig, pananakot o pambu-bully o pang-aapi.
Kapag may isinamang bintang na hindi saklaw ng Uniform Complaint Procedure sa Uniform Complaint, irerekomenda ng Distrito ang ibinibintang na hindi Uniform Complaint sa naaangkop na kawani o ahensiya at gagawan ng resolusyon ang (mga) bintang na may kaugnayan sa Uniform Complaint sa pamamagitang ng Uniform Complaint Procedure ng Distrito.
Pagrerekomenda ng Hindi Uniform Complaints sa mga Ahensiya na nasa Labas ng Distrito
Ang mga sumusunod na reklamo ay hindi saklaw ng Uniform Complaint ng Distrito pero irerekomenda sa natukoy na ahensiya: (5 CCR 4611)
- Irerekomenda ang anumang reklamo na nagbibintang ng pang-aabuso o pagpapabaya sa bata sa Dibisyon para sa mga Serbisyo na Nagbibigay-Proteksiyon (Protective Services Division) ng County, sa Departamento ng mga Serbisyong Panlipunan (Department of Social Services) ng County, at sa naaangkop na ahensiya para sa pagpapatupad ng batas.
- Irerekomenda sa Departamento ng mga Serbisyong Panlipunan ang anumang reklamo na nagbibintang ng paglabag sa kalusugan at kaligtasan ng programa para sa pag-unlad ng bata (child development program), para sa lisensiyadong mga pasilidad.
Apela ukol sa Mahabang Suspensiyon (Expulsion Appeal) ng Estudyante
Iimbestigahan at gagawan ng resolusyon ng Distrito ang anumang apela ukol sa mahabang suspensiyon (expulsion) na nagbibintang na nabigo ang Lupon ng Edukasyon na matugunan ang mga legal na itinatakda ng estado ayon sa espesipikong nakalarawan sa Kodigo sa Edukasyon 48922, nang naaayon sa espesipikong mga patakaran na nakatukoy sa AR 1312.3 - Uniform Complaint Procedures (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso).
Iba pang Reklamo na Hindi Sakop ng UCP:
Hindi nasasaklaw ang mga reklamong ito ng mga patakaran sa uniform complaint (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso UCP) ng Distrito:
- a. Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan (Americans with Disabilities Act): Iimbestigahan at gagawan ng resolusyon ng Distrito ang anumang reklamo na nagbibintang ng mga pisikal na hadlang upang mapuntahan o malahukan ang mga programa, serbisyo, aktibidad, at pasilidad ng Distrito sa ilalim ng Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan at/o Seksiyon 504 ng Batas ukol sa Rehabilitasyon ng 1973, nang naaayon sa patakarang natukoy sa Administratibong Regulasyon 1312.5 - Proseso para sa ADA Grievance (Karaingan Batay sa ADA) na nakalarawan online dito.
- b. Seksiyon 504: Iimbestigahan at gagawan ng resolusyon ng Distrito ang anumang reklamo na nagbibintang ng hindi pagkakasundo sa mga desisyon o aksiyong ginawa o hindi ginawa kaugnay ng Seksiyon 504 na ebalwasyon o plano ng estudyante sa ilalim ng Seksiyon 504 ng Batas ukol sa Rehabilitasyon ng 1973, nang naaayon sa patakarang nakatukoy sa Administratibong Regulasyon 6164 ng SFUSD - proseso para sa Seksiyon 504 ukol sa Mga Hinaing (Grievance).
- c. Diskriminasyon o Pang-haharass sa Trabaho: Iimbestigahan at gagawan ng resolusyon ng distrito ang anumang reklamo na nagbibintang ng diskriminasyon o pangha-harass o panliligalig sa trabaho, nang naaayon sa mga patakarang natukoy sa Administratibong Resolusyon 4030 ng SFUSD - Kawalan ng Diskriminasyon sa Trabaho (Nondiscrimination in Employment).
- d. Williams Complaints (pagrereklamo na nakabatay sa reklamo nina Eliezer Williams at iba pa laban sa estado ng California ukol sa ng pantay na akses sa materyales sa pagtuturo, ligtas at maayos na pasilidad at gurong kuwalipikado): Bukod rito, gagamitin ang Mga Patakaran para sa Williams Uniform Complaint, na Administratibong Regulasyon 1312.4 ng SFUSD, para imbestigahan at gawan ng resolusyon ang anumang reklamo kaugnay ng pagiging sapat ng mga teksbuk at materyales sa pagtuturo, kondisyon ng mga pang-emergency o pang-agarang pasilidad, na nagbabanta ng panganib sa kalusugan o kaligtasan ng estudyante o kawani, o bakanteng posisyon at maling pagtatalaga ng mga guro. (Kodigo sa Edukasyon 35186 ng CA). Nasasakop ng Williams Uniform Complaint Procedure ang mga reklamong nagbabantang ng paglabag sa mga patakaran sa kalusugan at kaligtasan sa mga programang Preschool na hindi na kailangan ng lisensiya sa Estado ng California
- e. Mga Reklamo sa Espesyal na Edukasyon: Kapag hindi magawan ng resolusyon ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng Distrito at ng magulang/tagapatnubay ng estudyanteng may kapansanan sa antas ng paaralan, hinihikayat ng Distrito ang Alternatibong Paglutas sa mga Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution). Puwede ring humiling ang magulang/tagapatnubay ng pamamagitan (mediation) at/o ng pagdinig na due process (makatarungang pagkilala sa mga karapatan sa ilalim ng batas) sa Opisina para sa mga Administratibong Pagdinig (Office of Administrative Hearings, OAH), o mag-file ng reklamo sa Departamento ng Edukasyon (Department of Education) ng California.
- f. Mga Serbisyo para sa Nutrisyon: Dapat i-file o isangguni sa CDE ang anumang reklamong nagbibintang ng hindi pagsunod ng programa sa paghahandog ng pagkain (foord service program) ng distrito sa mga batas ukol sa pagbibilang at pag-angkin sa pagkain, mga pagkaing naisasauli ang ibinayad o reimbursible, pagiging kuwalipikado ng mga bata o nakatatanda o paggamit ng pondo ng cafeteria at pinahihintulutang gastusin, nang naaayon sa BP 3555 - Pagsunod sa Programa sa Nutrisyon. Dapat i-file o isangguni sa Departamento ng Agrikultura (Department of Agriculture) ng Estados Unidos ang anumang ibinibintang na diskriminasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, o kapansanan sa programa sa paghahandog ng pagkain, nang naaayon sa BP 3555 - Pagsunod sa Programa sa Nutrisyon. (5 CCR 15582).
ii. Karapatang Humingi ng Karagdagang Tulong
May karapatan ang lahat ng mga nagrereklamo na humingi ng karagdagang tulong sa paghahain at pagpoproseso ng kanilang mga Uniform Complaint. Puwedeng humingi ng tulong ang mga nagrereklamo mula sa mga pampubliko at pribadong ahensiya tulad ng mga ahensiya para legal na tulong, mga sentro para sa pamamagitan (mediation centers), mga pribadong abugado o mula sa Yunit para sa Pamamahala ng mga Reklamo tungkol sa mga Ispisipikong Programa (Categorical Programs Complaints Management unit). Kapag pinili ng mga nagrereklamo na humingi ng tulong at/o magkaroon ng mga serbisyo ng mga pampubliko o pribadong ahensiya na ito, hindi sasagutin ng Distrito ang mga bayarin para sa mga serbisyong ito.
iii. Opisina para sa Pagpapatupad ng mga Patakaran (Compliance office)
Itinatalaga ng Distrito ang indibidwal na natukoy sa ibaba bilang empleyadong may responsibilidad sa paggawa ng koordinasyon sa pagtugon ng distrito sa mga reklamo, at para sa pagsunod sa pang-estado at pederal na batas sa mga karapatang sibil. Magsisilbi rin ang indibidwal bilang Opisyal na Tagapagpatupad ng mga Patakaran (Compliance Officer), ayon sa pagkakatukoy sa AR 5111.4 Kawalan ng Diskriminasyon/Kawalan ng Pangha-harass o Panliligalig, bilang empleyadong may responsibilidad sa paghawak sa mga reklamo ukol sa seksuwal na diskriminasyon. Ang indibidwal ang tatanggap ng mga reklamo at gagawa ng koordinasyon sa pag-iimbestiga sa mga ito, at siyang magtitiyak ng pagsunod ng Distrito sa batas.
Keasara Williams, Executive Director, Office of Equity
555 Franklin Street, Room 306
San Francisco, CA 94102 - Telephone: (415) 355-7334
Facsimile: (415) 355-7333 - Email: Equity@sfusd.edu
Posibleng magtalaga ang Opisyal para sa Pagpapatupad ng mga Patakaran (Compliance Officer) ng ibang empleyado upang maimbestigahan ang reklamo. Hindi kailanman magtatalaga ng empleyado upang mag-imbestiga sa reklamo kung nabanggit siya sa reklamo o kung mayroong kasalungat na interes na hahadlang sa kanya para sa walang pinapanigang pag-iimbestiga sa reklamo.
iv. Mga Notipikasyon o Pag-aabiso
- a.Magkakaloob taon-taon ang Superintendente o ang kanyang itinalaga ng nakasulat na notipikasyon ng uniform complaint procedures (nakasulat at pirmadong pahayag ng paglabag sa mga batas at regulasyon na pederal o pang-estado at inihahain sa pamamagitan ng iisang proseso) ng distrito sa mga estudyante, empleyado, magulang/tagapatnubay ng mga estudyante nito, mga paaralan, mga miyembro ng tagapayong komite ng distrito, mga tagapayong komite ng paaralan, naaangkop na mga opisyal o kinatawan ng pribadong paaralan, at iba pang interesadong partido, kung saan kasama ang lahat ng kinakailangang impormasyon. (Kodigo sa Edukasyon 234.1, 262.3, 49010, 52075, 5CCR 4610, 4620-4621)
gkop na mga opisyal at kinatawan ng mga pribadong paaralan, at iba pang interesadong partido. (5 CCR 4622) - b.Ipapaskil ang polisiya at administratibong regulasyon sa uniform complaint procedure ng distrito sa lahat ng paaralan at opisina ng distrito, kasama na ang staff lounges (pahingahan ng mga kawani) at silid-pulungan ng gobyerno ng mga estudyante. Kung nagsasalita ang 15 porsiyento o higit pa ng mga estudyante na naka-enroll sa partikular na paaralan ng distrito ng iisang pangunahing wika bukod sa Ingles, isasalin ang polisiya, regulasyon, mga form at abiso ukol sa uniform complaint precedures ng distrito sa wikang iyon. (CA Kodigo sa Edykasyon 234.1, 48985) Ipapaskil sa website ng Distrito ang taunang pag-aabiso, kompletong impormasyon sa pagkontak sa Opisyal na Tagapagpatupad ng mga Patakaran (Compliance Officer), at impormasyong may kaugnayan sa Titulo IX, ayon sa itinatakda alinsunod sa Kodigo sa Edukasyon 221.61.
- c. Titiyakin ng Superintendente o ng itinalaga nito na may makukuhang libreng kopya ng uniform complaint procedures ng distrito. (5 CA Kodigo gn mga Regulasyon 4622) Ang abiso ang:
- 1. Tutukuyin ang (mga) posisyon sa Distrito na siyang may responsibilidad para sa pagtanggap at pag-iimbestiga sa mga reklamo, at pagtitiyak ng pagsunod ng Distrito sa mga patakaran, at sa (mga) identidad ng (mga) indibidwal na kasalukuyang humahawak sa posisyong ito, kung batin na kung sino.
- 2. Sasabihin na ang (mga) indibidwal, empleyado, o posisyon na may responsibilidad sa Distrito para sa pagsunod sa mga patakaran at/o para sa mga imbestigasyon ay may kaalaman ukol sa mga batas/programa na itinalaga sa kanila upang imbestigahan.
- 3. Sasabihin sa nagrereklamo (complainant) ang tungkol sa anumang remedyo ng batas sibil na puwede niyang magamit sa ilalim ng pang-estado o pederal na mga batas ukol sa diskriminasyon, kung naaangkop
- 4. Sasabihin sa nagrereklamo ang tungkol sa oportunidad na i-apela ang Ulat ukol sa Imbestigasyon (Investigation Report) ng Distrito sa Departamento ng Edukasyon (Department of Education, CDE) ng California, (maliban na lamang kung nagamit na ng Distrito ang uniform complaint procedures nito sa pagtugon sa reklamo na hindi nakalarawan sa 5 CCR 4610 (b)). Kasama na rito, kung naaangkop, ang karapatan ng nagrereklamo na direktang dalhin ang reklamo sa Departamento ng Edukasyon ng California (CDE) o magsagawa ng iba pang remedyo sa harap ng korte sibil o iba pang pampublikong ahensiya, tulad ng Opisina para sa mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights, OCR) ng Departamento ng Edukasyon ng Estados Unidos (U.S. Department of Education), sa mga kaso kung saan nagkaroon ng labag sa batas na diskriminasyon.
- 5. Magsama ng mga pahayag na:
- a, Ang distrito ang may pangunahing responsibilidad sa pagtitiyak ng pagsunod sa naaangkop na pang-estado at pederal na mga batas at regulasyon na ipinatutupad sa mga programang pang-edukasyon.
- b. Kokompletuhin ang pagrerepaso sa reklamo sa loob ng 60 araw sa kalendaryo, magmula sa petsa ng pagkakatanggap sa reklamo, maliban na lamang kung may nakasulat na pagpayag ang complainant o nagrereklamo na pahabain pa ang timeline (iskedyul ng mga gawain).
- c. Maliban na lamang sa mga kaso na nagbibintang ng pagganti, labag sa batas na diskriminasyon, o pambu-bully o pang-aapi, dapat i-file ang mga reklamo nang hindi lalampas sa isang taon mula sa petsa na naganap ang ibinibintang na paglabag sa batas o patakaran.
- d. Kailangang mai-file ang reklamong nagbibintang ng pagganti, labag sa batas na diskriminasyon, o pambu-bully, nang hindi lalampas sa anim na buwan mula sa petsang naganap ito, o anim na buwan mula sa petsang unang nakakuha ang nagrereklamo ng kaalaman ukol sa mga katunayan (facts) ng ibinibintang na diskriminasyon. Puwedeng pahabain ang panahon para sa pagfa-file nang hanggang sa 90 araw ng Superintendente o ng kanyang itinalaga, kung mayroong magandang dahilan, kapag may nakasulat na kahilingan ang complainant na nagsasaad ng mga dahilan para sa pagpapahaba ng panahon.
- e. Hindi itinatakda sa estudyanteng naka-enroll sa pampublikong paaralan na magbayad ng singil para sa kanyang partisipasyon sa pang-edukasyong aktibidad, na bumubuo ng mahalaga at batayang bahagi ng pang-edukasyong programa ng Distrito, kasama na ang mga gawaing nakapaloob sa kurikulum o bukod pa sa kurikulum o extracurricular.
- f. Puwedeng i-file nang hindi ibinibigay ang pangalan ang anumang Reklamo (Complaint) ukol sa mga singil sa estudyante o sa Plano para sa Pamamahala at Pananagutan ng mga Lokal na Ahensiyang Pang-edukasyon (Local Control and Accountability Plan, LCAP) kung magkakaloob ang nagrereklamo (complainant) ng ebidensiya o impormasyon na hahantong sa ebidensiya na susuporta sa reklamo
- g. Ipapaskil ng Distrito ang estandardisadong abiso ng mga karapatan sa edukasyon ng kabataang foster (nasa pangangalaga ng gobyerno), estudyanteng walang tahanan, dating estudyante ng paaralan ng hukumang pangkabataan (juvenile court school) na naka-enroll na ngayon sa Distrito, anak ng pamilyang militar, migranteng estudyante, at imigranteng estudyante na naka-enroll sa programang newcomer (programa para sa bagong dating na migrante), ayon sa pagkakatukoy sa Kodigo sa Edukasyon 48853,48853.5, 49069.5, 51225.1, at 51225.2, at sa proseso ng pagrereklamo.
- h. May karapatan ang nagrereklamo na i-apela ang Ulat ukol sa Imbestigasyon ng Distrito sa CDE sa pamamagitan ng pagfa-file o paghahain ng nakasulat na apela sa loob ng 30 araw magmula nang matanggap ang Ulat ng Imbestigasyon ng Distrito.
- i. Kailangang kasama sa apela sa CDE ang kopya ng reklamo na naka-file sa Distrito at ang kopya ng Ulat ukol sa Imbestigasyon (Investigation Report) ng Distrito.
- j. Puwedeng makakuha ng libreng kopya ng UCP ng Distrito.
- k. Upang matukoy ang naaangkop na paksa ng mga usapin ukol sa kalusugan at kaligtasan sa pre-school sa estado, alinsunod sa Seksiyon 1596.7925 Kodigo ukol sa Kalusugan at Kaligtasan (Health and Safety Code, HSC seksiyon 1596.7925). Magpapaskil ng abiso sa bawat klasrum ng programang preschool ng estado ng California sa bawat paaralan ng Distrito, kung saan inaabisuhan ang mga magulang, tagapatnubay, estudyante, at guro ng dalawang sumusunod na bagay:
-
a. Ipinatutupad ang mga itinatakda ukol sa kalusugan at kaligtasan sa ilalim ng Titulo 5 ng Kodigo ng mga Regulasyon (Code of Regulations) ng California sa mga programang preschool ng estado ng California alinsunod sa HSC seksiyon 1596.7925.
-
b. Ang lugar kung saan makakakuha ng form para sa pagfa-file ng reklamo.
-
Isasaad din sa taunang abiso ng Distrito ukol sa UCP kung alin sa mga preschool na programa ng estado ng California ang nagsasagawa ng mga operasyon nang hindi kasama sa itinatakdang pagpapalisensiya, at pinatatakbo alinsunod sa mga itinatakdang pangangailangan sa ilalim ng Titulo 22 ng Kodigo ng mga Regulasyon (Code of Regulations). (5 CCR 4691)
v. Mga Patakaran sa Pagrereklamo
Magkakalooba ng Distrito ng oportunidad sa mga nagrereklamo (complainants) at/o kanilang kinatawan na magharap ng ebidensiya o impormasyon. Magtatago ang mga opisyal para sa pagpapatupad ng mga patakaran (compliance officers) ng rekord ng bawat reklamo at kasunod na kaugnay na mga aksiyon, kasama na ang lahat ng kinakailangang impormasyon para sa pagsunod sa 5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631 at 4633.
Hakbang 1: Pagfa-file p Paghahain sa Rekiamo
Ihaharap ang reklamo sa Opisyal para sa Pagpapatupad ng mga Patakaran (Compliance Officer) na magpapanatili ng talaan (log) ng mga natanggap na reklamo, at magbibigay sa bawat isa ng kodigong numero (code number) at pagkaka-stamp ng petsa.
Ifa-file o ihahain ang lahat ng reklamo nang naaayon sa mga sumusunod:
- a. Dapat mai-file ang mga reklamo nang hindi lalampas sa isang taon mula sa petsa kung kailan naganap ang ibinibintang na reklamo, maliban na lamang sa nakasaad sa seksiyon 5 na nasa ibaba. Para sa mga reklamong may kaugnayan sa Plano para sa Pamamahala at Pananagutan ng mga Lokal na Ahensiyang Pang-Edukasyon (Local Control and Accountability Plans, LCAP), ang petsa ng ibinibintang na paglabag sa patakaran ang petsa kung kailan inaprubahan ng nagrerepasong awtoridad ang LCAP, o ang taunang pagbabago na pinagtibay ng LEA.
- b. Puwedeng i-file ng sinumang indibidwal, pampublikong ahensiya, o organisasyon ang anumang nakasulat na reklamo na nagbibintang ng paglabag ng Distrito sa naipatutupad na pang-estado o pederal na batas o regulasyon na pinamamahalaan ang mga programang nakatukoy sa kasamang polisiya ng Lupon. (5 CCR 4630).
- c. Puwedeng mag-file, nang hindi nagbibigay ng pangalan ang naghahain, ng anumang reklamo na nagbibintang ng hindi pagsunod sa batas ukol sa pagbabawal sa pagtatakda sa mga estudyante na magbayad ng mga sagutin (fee) ng mag-aaral, deposito, at singil, o anumang itinatakda kaugnay ng LCAP, kung magbibigay ang reklamo ng ebidensiya o impormasyong hahantong sa ebidensiya, at sa gayon ay masuportahan ang bintang ng hindi pagsunod sa batas. (Kodigo sa Edukasyon 4630(c)(2), 49013(b), 52075(b)).
- d. Puwedeng hindi magbigay ng pangalan sa pagfa-file ng reklamo ukol sa kalusugan at kaligtasan sa preschool ng estado, alinsunod sa HSC seksiyon 1596.7925. May karapatan ang nagrereklamo, na tinukoy ang sarili, na tumanggap ng sagot kung isinaad niya na humihiling siya ng sagot. Kailangang may kasamang espasyo sa form para sa pagrereklamo (complaint form), at nang maisaad kung humihiling ng sagot. Kung hindi man at naipatutupad ang Seksiyon 48985 ng Kodigo sa Edukasyon, ang sagot, kung hiniling ito, at ang ulat ay isusulat sa Ingles at sa pangunahing wika na ginamit sa pagfa-file ng reklamo.
- e.Kailangang i-file ang anumang reklamo na naghahangad i-apela ang desisyon ng tagapamahalang lupon (governing board) na bigyan ng mahabang suspensiyon (i-expel) ang mag-aaral, sa ilalim ng mga pamantayan ng Kodigo sa Edukasyon 48992, sa loob ng 30 araw magmula sa araw ng pagboto ng Lupon na bigyan ng mahabang suspensiyon (i-expel) ang mag-aaral. Kailangang isaad ng nagrereklamo (complainant) ang espesipikong batayan ng pag-apela sa ilalim ng isa o higit pang 4 pamantayan na nakalista sa Kodigo sa Edukasyon 48992.
- f. Puwedeng lamang i-file ang reklamong nagbibintang ng labag sa batas na diskriminasyon, kasama na ang pangha-harass o panliligalig, pananakot, o pambu-bully nang dahil sa diskriminasyon, ng indibidwal na nagbibintang na personal niyang naranasan ang labag sa batas na diskriminasyon o ng indibidwal na naniniwala na may anumang espesipikong uri (class) ng mga indibidwal na naranasan ito; o ng tunay na may awtorisasyong kinatawan na nagbibintang na nakaranas ang indibidwal na estudyante ng labag sa batas na diskriminasyon. Dapat pasimulan ang reklamo nang hindi lalampas sa anim na buwan mula sa petsa kung kailan nangyari ang ibinibintang na diskriminasyon o anim na buwan mula sa petsa kung kailan unang nagkaroon ng kaalaman ang complainant ukol sa mga katunayan (facts) ng ibinibintang na diskriminasyon. Puwedeng pahabain ang panahon para sa pagfa-file nang hanggang sa 90 araw ng Superintendente o ng kanyang itinalaga, kung mayroong magandang dahilan, kapag may nakasulat na kahilingan ang nagrereklamo na nagsasaad ng mga dahilan para sa pagpapahaba ng panahon. (5 CCR 4630).
- g. Kapag inihain nang walang pangalan ang reklamo na nagbibintang ng labag sa batas na diskriminasyon o pambu-bully, magsasagawa ang Opisyal para sa Pagpapatupad ng mga Patakaran (Compliance Officer) ng imbestigasyon o iba pang pagtugon ayon sa naaangkop, at nakabatay ito sa pagiging espesipiko at maaasahan ng mpormasyong ipinagkaloob at ang bigat ng ibinibintang na paglabag sa batas.
- h. Kapag hiniling ng nagrereklamo o ng biktima ng ibinibintang na labag sa batas na diskriminasyon o pambu-bully ang pagiging kumpidensiyal ng impormasyon, ipagbibigay-alam sa kanya ng Compliance Officer na posibleng malimitahan ng kahilingang ito ang kakayahan ng Distrito na maimbestiga ang nangyaring pag-asal, o makagawa ng iba pang kinakailangang aksiyon. Kapag pinagbigyan ang kahilingan para sa pagiging kumpidensiyal ng impormasyon, gagawin pa rin ng Distrito ang lahat ng makatwirang hakbang para maimbestigahan at matugunan ang reklamo, nang naaayon sa kahilingan.
i. Kung hindi maisulat ng nagrereklamo (complainant) ang reklamo nang dahil sa mga kondisyong tulad ng kapansanan o kawalan ng kakayahang bumasa at sumulat, tutulungan siya ng kawani ng Distrito sa paghahain ng reklamo. (5 CCR 4600).
Hakbang 2: Pamamagitan (Mediation)
- Maaaring impormal na talakayin ng opisyal para sa pagpapatupad ng mga patakaran (compliance officer) ang posibilidad ng paggamit ng pamamagitan (mediation). Kapag pumayag ang lahat ng partido sa pamamagitan, ang compliance officer ang gagawa ng lahat ng kinakailangan para maipatupad ang prosesong ito.
- Iaalok ang pamamagitan upang magawan ng resolusyon ang mga reklamo kung saan kasangkot ang mahigit sa isang estudyante at walang nakatatandang kasangkot. Gayon pa man, hindi iaalok o gagamitin ang pamamagitan upang magawan ng resolusyon ang anumang reklamo kung saan may bintang ng seksuwal na pag-atake, o kung may makatwirang panganib na mapipilitang lumahok ang isang partido sa pamamagitan.
- Bago pasimulan ang pamamagitan sa reklamong nauukol sa diskriminasyon, pangha-harass o panliligalig, o pambu-bully, titiyakin ng compliance officer na pumapayag ang lahat ng partido na isama ang tagapamagitan (mediator) sa pagkakaroon ng may kaugnayan na kumpidensiyal na impormasyon.
- Kapag hindi nabigyan ng proseso ng pamamagitan ng resolusyon ang problema ayon sa nasasakop ng batas, ipagpapatuloy ng compliance officer ang kanyang imbestigasyon ng reklamo.
- Hindi pinahahaba ng paggamit ng pamamagitan ang mga timeline (iskedyul ng mga gawain) ng distrito para sa pag-iimbestiga at paggawa ng resolusyon sa reklamo, maliban na lamang kung nakasulat na papayag ang nagrereklamo sa gayong pagpapahaba ng panahon. (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
Hakbang 3: Pag-iimbestiga sa Reklamo
-
Sa loob ng 10 araw ng trabaho matapos matanggap ang UCP na reklamo, sisimulan na ng opisyal para sa pagpapatupad ng mga patakaran (compliance officer) ang imbestigasyon sa reklamo. Hinihikayat ang compliance officer na magsagawa ng pulong para sa pag-iimbestiga, at nang makapagbigay ng oportunidad sa nagrereklamo at/o sa kanyang kinatawan na ulitin nang pasalita ang reklamo.
-
Sa loob ng 1 araw ng trabaho ng pagpapanimula sa imbestigasyon, bibigyan ng Compliance Officer ang nagrereklamo at/o ang kinatawan nito ng pagkakataon na iharap ang impormasyong nasa reklamo sa Compliance Officer. Magkakaroon ng oportunidad ang nagrereklamo at/o ang kanyang kinatawan na iharap ang reklamo at ebidensiya o impormasyong hahantong sa ebidensiya, at nang masuportahan ang mga ibinibintang sa reklamo.
-
Sa pagsasagawa ng imbestigasyon, kokolektahin ng Compliance Officer ang lahat ng makukuhang dokumento at rerepasuhin ang lahat ng makukuhang rekord, tala, o pahayag na may kaugnayan sa reklamo, at iinterbyuhin niya ang sinasabing (mga) biktima, sinumang pinagbibintangang nagkasala (offender) at iba pang makabuluhang saksi sa pribado, magkakahiwalay, at kumpidensiyal na pamamaraan.
-
Posibleng humantong sa pagwawaksi sa reklamo ang pagtanggi ng nagrereklamo (complainant) na pagkalooban ang imbestigador ng distrito ng mga dokumento o iba pang ebidensiya na kaugnay ng mga ibinibintang sa reklamo, o sa kanyang kabiguan o pagtanggi na magbigay ng kooperasyon sa imbestigasyon o sa pagsasagawa ng anumang iba pang paghadlang sa imbestigasyon, dahil sa kakulangan ng ebidensiya upang masuportahan ang ibinibintang. (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
Hakbang 4: Ulat ukol sa mga Napagpasyahan (Report of Findings)
Maliban na lamang kung napahaba ang panahon sa pamamagitan ng nakasulat na kasunduan, o kung hindi man ay itinatakda rito, ihahanda at ipadadala ng Compliance Officer sa nagrereklamo ang nakasulat na ulat ng imbestigasyon at desisyon ng Distrito, ayon sa pagkakalarawan sa seksiyong “Pinal na Nakasulat na Ulat ukol sa Imbestigasyon (Final Written Investigation Report)” na nasa ibaba, sa loob ng 60 araw sa kalendaryo, magmula nang matanggap ng Distrito ang reklamo. (5 CCR 4631) Ipadadala ang nakasulat na ulat ng imbestigasyon at desisyon para sa mga apela ukol sa mahabang suspensiyon (expulsion) sa loob ng 23 araw ng pagpasok sa paaralan matapos matanggap ng Distrito ang reklamo.
Hakbang 5: Pinal na Nakasulat na Ulat ukol sa Imbestigasyon (Final Written Investigation Report)
Nakasulat ang ulat ukol sa imbestigasyon ng distrito at ipadadala ito sa nagrereklamo (complainant). (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
- Kung kasangkot sa reklamo ang estudyante o magulang/tagapatnubay na limitado ang kakayahan sa Ingles, at pumapasok ang estudyante sa paaralan kung saan 15 porsiyento o higit pa sa mga estudyante ang nagsasalita ng iisang pangunahing wika na bukod pa sa Ingles, isasalin din ang Ulat ukol sa Imbestigasyon sa wikang iyon. Sa lahat ng iba pang pagkakataon, titiyakin ng Distrito ang makabuluhang pamamaraan na makukuha ang lahat ng makabuluhang impormasyon ng mga magulang/tagapatnubay na limitado ang kakayahan sa Ingles.
Para sa lahat ng reklamo, kasama sa ulat ukol sa imbestigasyon ang (5 CCR 4631):
- Mga napag-alamang katunayan (facts) batay sa ebidensiyang nakalap. Para makagawa ng pasya ukol sa mga katunayan, posibleng isaalang-alang ang mga sumusunod na salik o factor:
- a. Mga pahayag ng sinumang testigo
- b. Ang naihahambing na kredibilidad ng mga kasangkot na indibidwal
- c. Kung ano ang naging reaksiyon sa insidente ng nagrereklamong indibidwal
- d. Anumang dokumentasyon o iba pang ebidensiya kaugnay ng ibinibintang na pagkilos
- e. Mga nakaraang pagkakataon ng katulad na pag-asal ng sinumang pinagbibintangang nagkasala
- f. Mga nakaraang walang katotohanan na bintang na ginawa ng nagrereklamo (complainant)
- g. Ang (mga) konklusyon ng batas
- h. Pagpapasya ukol sa reklamo
- (Mga) konklusyon na nagkakaloob ng malinaw na pagpapasya ukol sa bawat ibinibintang at kung sinusunod ng distrito ang may kaugnayang batas
- Mga aksiyon para sa pagwawasto, kung mayroon mang kinakailangang gawin
- Pag-aabiso ukol sa karapatan ng nagrereklamo na i-apela ang Ulat ukol sa Imbestigasyon ng distrito sa loob ng 30 araw sa CDE at ang mga patakarang dapat sundin para sa pagpapanimula ng gayong apela.
- Posibleng kasama rin sa Ulat ukol sa Imbestigasyon ang mga patakaran para sa pagsubaybay, at nang maiwasan ang muling pangyayari o pagganti, at para sa pag-uulat ng anumang kasunod na problema.
- Para sa mga reklamo ukol sa diskriminasyon, pangha-harass, pananakot, o pambu-bully, pag-aabiso na kailangang maghintay ng nagrereklamo ng 60 araw magmula sa paghahain ng apela sa CDE bago gumawa ng mga remedyong batay sa batas sibil (CA Kodigo sa Edukasyon 262.3)
- Para sa mga reklamo ukol sa pagganti o labag sa batas na diskriminasyon, kasama na ang may diskriminasyong pangha-harass, pananakot o pambu-bully, kasama sa pagpapasya ukol sa reklamo ang desisyon para sa bawat bintang, at kung nangyari nga ang pangganti o ang labag sa batas na diskriminasyon.
Posibleng kasama sa desisyon kung may umiiral ngang kapaligiran kung saan namamayani ang galit (hostile environment), ang pagsasaalang-alang sa mga sumusunod:
- Kung paanong naapektuhan ng maling asal ang edukasyon ng isa o higit pang estudyante
- Ang uri, dalas, at tagal ng maling asal
- Ang relasyon sa pagitan ng sinasabing (mga) biktima at nagkasala
- Ang bilang ng tao na kasama sa pag-asal at kung kanino idinirekta ang pag-asal
- Ang laki ng paaralan, ang lugar ng mga insidente, at ang konteksto ng naganap
- Iba pang insidente sa paaralan kung saan kasangkot ang iba’t ibang indibidwal
Batay sa batas ng estado, para sa mga reklamong nagbibintang ng labag sa batas na diskriminasyon, kasama na ang pangha-harass, pananakot, at pambu-bully nang dahil diskriminasyon, dapat kasama rin sa Ulat ukol sa Imbestigasyon (Investigation Report) ang abiso sa nagrereklamo (complainant) na:
- Puwede siyang maghabol ng mga makukuhang remedyo batay sa batas sibil sa labas ng mga patakaran sa pagrereklamo ng Distrito, kasama na ang tulong mula sa mga sentro para sa pamamagitan (mediation center) o abugado para sa pampubliko/pribadong interes, 60 araw sa kalendaryo matapos ang paghahain ng apela sa CDE. (Kodigo sa Edukasyon 262.3)
- Hindi naipatutupad ang 60 na araw na moratorium (panahon ng paghihintay) sa mga reklamo na naghahabol ng pansamantalang pagpapatigil sa aksiyon (injunctive relief) sa mga korte ng estado o sa mga reklamo ng diskriminasyon na batay sa pederal na batas. (Kodigo sa Edukasyon 262.3)
- Puwede ring i-file ang mga reklamong nagbibintang ng diskrimasyon batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, gender, kapansanan, o edad sa Opisina para sa mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights) ng Departamento ng Edukasyon ng Estados Unidos (U.S. Department of Education) sa www.ed.gov/ocr sa loob ng 180 araw ng ibinibintang na diskriminasyon.
Kahit na may mga itinatakda sa itaas, para sa mga reklamo na nagbibintang ng kabiguang matugunan ang mga legal na pangangailangang nakabalangkas sa Kodigo sa Edukasyon 48992 (apela ukol sa mahabang suspensiyon o expulsion), kasama pa rin sa Ulat ukol sa Imbestigasyon ang:
- Mga napag-alamang katunayan (findings of fact) na nakabatay sa rekord ng pagdinig ukol sa mahabang suspensiyon o expulsion (paket at ebidensiya ukol sa mahabang suspensiyon, transcript o rekord ng pagdinig, nakasulat na napag-alaman ukol sa mabahabang suspensiyon) at argumento na isinumite ng nagrereklamo at ng Distrito;
- Mga konklusyon batay sa batas kung sinusuportahan ang reklamo ng isa o higit pa sa 4 pamantayan na nasa Kodigo sa Edukasyon 48922;
- Ang pagpapasya ukol sa reklamo, at mga aksiyon para sa pagwawasto kung kinakailangan, na nasasaklaw ng mga legal na opsiyong nakalista sa Kodigo sa Edukasyon 48923;
- Ang dahilan para sa desisyon; at
- Pag-aabiso ukol sa karapatan ng nagrereklamo na i-apela ang desisyon ng Distrito sa loob ng 3015 araw ng kalendaryo sa CDE at ang mga patakarang dapat sundin para sa pagpapanimula ng gayong apela.a. Mga napag-alamang katunayan (facts) batay sa ebidensiyang nakalap. (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
- a.The findings of fact based on the evidence gathered (5 CA Code of Regulations 4631)
- b. (Mga) konklusyon na nagkakaloob ng malinaw na pagpapasya ukol sa bawat ibinibintang at kung sinusunod ng distrito ang may kaugnayang batas (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
- c. Mga aksiyon para sa pagwawasto, kung kinakailangan ng mga ito (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
- d. Pag-aabiso ukol sa karapatan ng nagrereklamo o complainant na i-apela ang Ulat ukol sa Imbestigasyon (Investigation Report) ng distrito sa loob ng 30 araw sa CDE at ang mga patakarang dapat sundin para sa pagpapanimula ng gayong apela (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4631)
- e. Para sa mga reklamo ukol sa diskriminasyon, pangha-harass, pananakot, o pambu-bully, pag-aabiso na kailangang maghintay ng nagrereklamo o complainant ng 60 araw magmula sa paghahain ng apela sa CDE bago gumawa ng mga remedyong batay sa batas sibil (CA Kodigo sa Edukasyon 262.3)
- f. Kung nadisiplina ang empleyado nang dahil sa reklamo, isasaad alamang ng ulat ukol sa imbestigasyon na nakagawa na ng epektibong aksiyon at nabigyang-impormasyon na ang empleyado ukol sa inaasahan ng distrito. Hindi na magbibigay ang ulat ng karagdagang impormasyon ukol sa katangian ng aksiyon ng pagdidisiplina.
- Kung mapagpapasyahan na may merito ang reklamo na nagbibintang ng hindi pagsunod sa mga batas ukol sa mga bayarin, deposito, at iba pang sinisingil sa estudyante, magkakaloob ang distrito ng remedyo sa lahat ng naapektuhang estudyante at magulang/tagapatnubay, kung saan, kung naaangkop ay may kasamang makatwirang mga pagsusumikap upang matiyak ang buong pagbabalik ng ibinayad o reimbursement, sa kanila. (CA Kodigo sa Edukasyon 49013)
- Aabisuhan ang lahat ng partidong kasama sa mga bintang kapag may inihaing reklamo, kapag may nakatakdang pulong o pagdinig ukol sa reklamo, at kapag nakagawa na ng desisyon o pagpapasya.
vi. Pagiging Kumpidensiyal ng Impormasyon
Titiyakin ng San Francisco Unified School District at ng Departamento ng Edukasyon sa California na protektado ang mga nagrereklamo mula sa pagganti at mananatiling kumpidensiyal ang identidad ng reklamong nagbibintang ng diskriminasyon ay mananatiling kumpidensiyal ayon sa naaangkop.
vii. Mga Apela sa Departamento ng Edukasyon ng California
Puwedeng nakasulat na mag-apela ang sinumang nagrereklamo (complainant) na hindi nasisiyahan sa pinal na nakasulat na desisyon ng Distrito sa CDE sa loob ng 30 araw sa kalendaryo matapos matanggap ang Ulat ukol sa Imbestigasyon ng Distrito. (Kodigo sa Edukasyon 49013, 52075; 5 CCR 4632) Kapag nag-aapela sa CDE, dapat tukuyin ng nagrereklamo ang batayan ng pag-apela hinggil sa ulat ukol sa imbestigasyon, at kung hindi tama ang mga katunayan o facts, at/o kung hindi tama ang pagpapatupad sa batas. Kailangang kasama sa apela ang kopya ng reklamo na lokal na inihain at ang kopya ng desisyon ng distrito. (5 CA Kodigo ng mga Regulasyon 4632)
viii. Mga remedyong batay sa batas sibil
Puwedeng maghabol ang nagrereklamo ng makukuhang mga remedyo batay sa batas sibil sa labas ng mga patakaran sa pagrereklamo ng distrito, kasama na ang tulong mula sa mga sentro para sa pamamagitan (mediation center) o abugado para sa pampubliko/pribadong interes, 60 araw sa kalendaryo matapos ang paghahain ng apela sa CDE. (Kodigo sa Edukasyon 262.3)
This page was last updated on October 28, 2022