Polisiya ukol sa mga Patakaran para sa Williams Uniform Complaint
i. Polisiya
Iimbestigahan ang mga reklamong kaugnay ng pagiging sapat ng mga teksbuk o gamit sa pagtuturo (instructional materials), at kondisyon ng mga pasilidad na pang-emergency o agad na pangangailangan (emergency or urgent facilities) na nagbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante at kawani, at mga bakanteng posisyon ng guro at maling pagtatalaga, at ilang EED na kondisyon sa kalusugan at kaligtasan nang alinsunod sa patakaran ng Williams uniform complaint ng distrito.
ii. Mga patakaran sa pagrereklamo
Gagamitin ng distrito ang mga sumusunod na patakaran para mag-imbestiga at resolbahan ang mga reklamo kapag ibinintang ng nagrereklamo na naganap ang alinman sa mga sumusunod para sa mga TK-12 na Reklamo: (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4681, 4682, 4683)
-
a. Mga teksbuk at gamit sa pagtuturo
- Ang isang estudyante, kasama na ang estudyante ng Ingles, ay walang standards-aligned textbooks (mga librong ang mga pamantayan ay katumbas ng iba pang libro) o mga gamit sa instruksiyon o mga teksbuk na napagpasyahan nang gamitin ng distrito (district-adopted) o iba pang kinakailangan sa pagtuturo na ginagamit sa klase.
- Walang akses ang estudyante sa mga teksbuk o gamit sa pagtuturo para kanyang magamit sa bahay o pagkatapos ng klase. Hindi kinakailangang dalawa ang set ng teksbuk o gamit sa pagtuturo para sa bawat estudyante.
- Hindi na maganda o hindi na nagagamit ang mga teksbuk o gamit sa pagtuturo, mayroong mga nawawalang pahina, o hindi na nababasa dahil sa pagkasira.
- Pinagkalooban ang estudyante ng mga kinopyang papel na galing lamang sa isang bahagi ng teksbuk o mga gamit sa pagtuturo, para matugunan ang kakulangan ng mga teksbuk at gamit sa pagtuturo.
-
b. Hindi napunan na posisyon ng guro (teacher vacancy) o maling pagtatalaga ng gawain sa guro
- Nagsimula na ang semestre pero mayroon pa ring bakanteng posisyon para sa guro.
- Ang isang guro na kulang ang mga kredensiyal o ang pagsasanay sa pagtuturo ng mga estudyante ng Ingles ay nakatalagang magturo ng klase kung saan mahigit sa 20 porsiyente ng klase ay estudyanteng English learner (Mag-aaral ng Ingles).
- Nakatalagang magturo ang isang guro na klase kung saan kulang ang kahusayan ng guro sa asignatura.
Binibigyang-kahulugan ang teacher vacancy (pagkakaroon ng bakanteng posisyon para sa guro) bilang posisyon kung saan walang nakatalaga na iisang nahirang at sertipikadong empleyado, sa pagsisimula ng taon, para sa isang buong taon, o, kung ang posisyon ay para sa iisang-semestre na kurso, posisyon kung saan walang nakatalaga na iisang nahirang na sertipikadong empleyado sa pagsisimula ng semestre para sa kabuuan ng semestre (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4600)
Ang ibig sabihin ng pagsisimula ng taon o semestre, isinasaayos ang unang araw ng mga klase na kinakailangan para mapaglingkuran ang lahat ng estudyante na naka-enroll sa pamamagitan ng iisang nahirang at sertipikadong empleyado na nakatalaga sa kabuuan ng klase, ngunit hindi lalampas sa 20 araw ng pagtatrabaho matapos ang unang araw na pumasok sa klase ang mga estudyante sa semestre na iyon. (5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4600)
Binibigyang-kahulugan ang misassignment (maling pagtatalaga sa guro) bilang pagpupuwesto sa sertipikadong empleyado sa posisyon para sa pagtuturo at pagbibigay-serbisyo kung saan walang hawak ang empleyado na sertipiko o kredensiyal na legal na kinikila, o ang pagpupuwesto sa sertipikadong empleyado sa posisyon para sa pagtuturo o pagbibigay-serbisyo na hindi awtorisadong hawakan ng empleyado nang naaayon sa batas. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4600)
-
c. Mga reklamo tungkol sa kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan, kasama na ang anumang reklamo na nagbibintang na:
- May kondisyon na nagdudulot ng emergency o agad na pagbabanta sa kalusugan o kaligtasan ng mga estudyante o kawani.
Tinutukoy ng emergency o agad na pagbabanta ang mga istruktura o sistema na may kondisyong nagdudulot ng pagbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante habang nasa paaralan, kasama na ang mga pagsingaw ng gas, hindi gumaganang pagpapainit o heating, bentilasyon, sprinklers o tubig sakaling may sunog, o mga sistema para sa airconditiong; kawalan ng koryente; malalang pagkabara ng mga alkantarilya o major sewer line stoppage; malalang pag-atake ng peste o daga; mga basag na bintana o mga panlabas na pintuan o tarangkahan na hindi nakakandado at nagiging sanhi ng panganib sa seguridad; pinsala sa istruktura na lumilikha ng kondisyon na mapanganib o hindi puwedeng pamahayan (unhabitable); o anumang kondisyon na inaakalang naangkop. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 17592.72)
- May Banyo (restroom) ng paaralan na hindi nalilinis, napananatiling maayos, o naiiwang bukas, nang naaayon sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 35292.5.
Ang ibig sabihin ng malinis o napananatiling maayos na banyo ay banyong pampaaralan na regular na nalilinis o napananatiling maayos, lubusang nagagamit, o nagtataglay sa lahat ng panahon ng toilet paper, sabon, o paper towel o gumaganang hand dryer. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35292.5)
Ang ibig sabihin ng bukas na banyo, pinanatili ng paaralang bukas ang mga banyo sa panahon ng pagpasok kung kailan wala sa loob ng klase ang mga estudyante, at pinanatili ring bukas ang sapat na bilang ng banyo sa panahon ng pagpasok, kapag nasa loob ng klase ang mga estudyante. Hindi ito naaangkop kung mahalaga ang pansamantalang pagsasara sa banyo para sa kaligtasan ng estudyante o para gumawa ng mga pagkukumpuni. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35292.5)
- Para sa paaralan na naglilingkod sa mga estudyante na nasa alinman sa mga gradong 6-12, kung saan 40% o higit pa sa mga estudyante ay galing sa pamilyang mababa ang kita, ayon sa pagbibigay-depinisyon dito, hindi naglagay ang paaralan sa kahit man lamang kalahati sa mga banyo nito ng pambabaeng produkto sa lahat ng panahon at naipagamit ang mga produktong ito sa mga estudyante nang walang bayad. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35292.6)
- May kondisyon na nagdudulot ng emergency o agad na pagbabanta sa kalusugan o kaligtasan ng mga estudyante o kawani.
- d. Mga Reklamo ukol sa hindi pagsunod ng Programang Preschool sa Estado ng California (California State Preschool Program, CSPP), na hindi kinakailangang magkaroon ng lisensiya (license-exempt), at may mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan na nakatukoy sa Kodigo ukol sa Kalusugan at Kaligtasan (Health and Safety Code) 1596.7925 at kaugnay ng mga regulasyon ng estado, kasama na ang anumang reklamo na nagbibintang na: (Kodigo sa Edukasyon ng CA 8235.5; Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan ng CA 1596.7925)
- Walang lugar ang preschool na may takip sa labas ng gusali o outdoor shade na ligtas at nasa magandang kondisyon.
- Hindi makakuha/agad na nakakakuha ng inuming tubig sa kabuuan ng araw.
- Hindi nagkakaloob ang preschool ng ligtas at malilinis na pasilidad ng banyo kung saan mayroong isang inodoro at gripo para sa paghuhugas ng kamay para sa bawat 15 bata
- Ang mga pasilidad ng banyo ay hindi nagagamit ng mga nasa preschool at kindergarten lamang
- Hindi nagkakaloob ang programang preschool ng biswal na superbisyon ng mga bata sa lahat ng panahon.
- Hindi maaayos ang pagkakabakod, o hindi sapat, ang espasyong ipinagkakaloob sa bilang ng bata na gumagamit sa espasyo sa loob o labas ng gusali, sa anumang takdang panahon
- Hindi ligtas, o hindi maayos ang kondisyon, o hindi naaangkop sa edad ang mga kagamitan na nasa playground.
iii. Paghahain ng Reklamo
Dapat i-file ang reklamo na nagbibintang ng anumang kondisyon na natutukoy sa mga bahagi #1-3, para sa TK-12 na reklamoo sa mga bahaging a-g para sa Eed na reklamo sa seksiyon na pinamagatang "Mga Uri ng Reklamo (Types of Complaints)" na nasa itaas, sa principal o sa kanyang itinalaga sa paaralan, kung saan nagmumula ang reklamo. Ipadadala ng principal o ng kanyang itinalaga ang reklamo tungkol sa mga problemang hindi na sakop ng kanyang awtoridad sa Superintendente o itinalaga nito sa isang napapanahong paraan, ngunit hindi ito dapat lumampas ito ng 10 araw ng pagtatrabaho. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4680)
iv. Pag-iimbestiga at Pagtugon
Gagawin ng principal o ng kanyang itinalaga ang lahat ng makatuwirang pagsusumikap para maimbestigahan ang anumang problema na nasa ilalim ng kanyang awtoridad. Hahanapan niya ng kalutasan ang napatotohanang reklamo sa loob ng makatuwirang panahon na hindi dapat lumampas sa 30 araw ng pagtatrabaho mula sa petsa na matanggap ang reklamo. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4685)
Puwedeng maihain ang mga reklamo nang walang pangalan. Kapag isinaad ng nagrereklamo sa form para sa karaingan na gusto niya ng tugon sa reklamo, iuulat sa kanya ng principal o itinalaga nito ang resolusyon sa reklamo sa loob ng 45 na araw ng pagggawa matapos ang pinaka-unang paghahain ng reklamo. Kapag hiniling ang pagtugon, isasagawa ang tugong ito sa address na pangkoreo ng nagrereklamo, ayon sa nakasaad sa form para sa pagrereklamo. Kasabay nito, iuulat ng principal o ng kanyang itinalaga ang gayon ding impormasyon sa Superintendente o sa itinalaga nito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4680, 4685)
Kung naaangkop ang Kodigo sa Edukasyon 48985 at humiling ang nagrereklamo ng pagtugon, isusulat ang tugon sa wikang Ingles at sa pangunahing wika na ginamit sa paghahain ng reklamo. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186)
Kapag hindi nasiyahan ang nagrereklamo sa resolusyon ng karaingan, mayroon siyang karapatan na ilarawan ang karaingan sa Tagapamahalang Lupon ng Edukasyon sa regular na naka-iskedyul na pulong. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4686)
Para sa anumang reklamo hinggil sa kondisyon ng pasilidad na nagdudulot ng banta sa kalusugan o kaligtasan ng mga estudyante o kawani, ayon sa pagkakalarawan sa bahagi #3a na pinamagatang “Mga Uri ng Reklamo (Types of Complaints)” na nasa itaas, ang nagrereklamo na hindi nasisiyahan sa resolusyong iniaalok ng principal o Superintendente o ng itinalaga ay puwedeng mag-file ng apela sa Superintendente ng Pampublikong Instruksiyon sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang tugon ng Distrito. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4686)
Magiging pampublikong rekord ang lahat ng mga reklamo at nakasulat na pagtugon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 CCR 4686)
v. Mga Ulat
Iuulat ng Superintendente at ng kanyang itinalaga ang nilagom na datos tungkol sa mga katangian ng mga reklamo at resolusyon sa Lupon at Superintendente ng Mga Paaralan ng County tuwing ika-tatlong buwan. Isasama sa ulat ang bilang ng mga reklamo ayon sa pangkalahatang paksa at kasama nito, ang bilang ng mga naisaayos at hindi naisaayos na mga reklamo. Publikong iuulat ang mga buod na ito tuwing ika-tatlong buwan sa regular na nakatakdang pagpupulong ng Lupon. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4686)
vi. Mga Form at Abiso
Titiyakin ng Superintendente o kanyang itinalaga na mayroong form ng Williams complaint sa bawat paaralan. Gayon pa man, hindi kailangang gamitin ng mga nagrereklamo ang form para sa paghahain ng reklamo ng Distrito para makapagfile ng reklamo. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4680)
Titiyakin ng Superintendente o ng kanyang itinalaga na nagtataglay ng espasyo ang form ng distrito para sa pagrereklamo, at nang maisaad ng nagrereklamo kung gusto niya ng pagtugon sa kanyang reklamo, at matukoy ang lokasyon para sa paghahain ng reklamo. Puwedeng magdagdag ang nagrereklamo ng anumang teksto, gaano man kahaba, para maipaliwanag ang reklamo ayon sa kanyang kagustuhan. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186; 5 Kodigo ng mga Regulasyon ng CA 4680)
Titiyakin ng Superintendente o kanyang itinalaga na may nakapaskil na abiso sa bawat klasrum sa bawat paaralan, at nilalaman nito ang mga bahagi na natukoy sa Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186. (Kodigo sa Edukasyon ng CA 35186) e) Patakaran ukol sa Seksuwal na Pangha-harasss o Sexual Harassment (Patakaran ng Lupon 5145.7)
This page was last updated on October 28, 2022