Bumalik sa Paaralan 2023-24

Introduction

Mag-download ng napi-print na bersyon ng gabay na ito: English, عربي, 中文, Gagana Sāmoa, Español, Tagalog, Tiếng Việt.

Pagbati sa Inyong Pagpasok sa Bagong Akademikong Taon!

Dr. Matt Wayne, SFUSD Superintendent

Mahal na mga Estudyante at Pamilya ng SFUSD,

Ikinasasabik kong malugod na tanggapin ang inyong mga estudyante sa sa paaralan sa Agosto 16, 2023. Habang papalapit na ang bagong akademikong taon, masaya ako at optimistiko, at gustong-gusto ko nang mabisita ang mga klasrum at makilala ang inyong mga estudyante.

Abala na kami sa paghahanda sa inyong pagbabalik mula sa bakasyon sa tag-araw. Pakibasa sa ibaba ang ilang mahahalagang impormasyon at nang makatulong ito sa inyong pamilya sa paghahanda para sa unang araw ng pagpasok sa paaralan.

Paghahanda para sa Paaralan

Anuman ang edad, posibleng magkaroon ng iba’t ibang damdamin ang mga pagbabago, at ang pagbabalik sa paaralan, o ang pagsisimula sa unang pagkakataon, ay malaking pagbabago para sa sinumang bata. Mahalagang manatiling may pasensiya at magkakasamang nagtatrabaho ang mga edukador, pamilya, at estudyante, at nang masuportahan ang isa’t isa. Naglagay kami ng ilang payo sa pahina 8 ukol sa paghahanda sa inyong anak para sa kanyang pagtatransisyon pabalik sa paaralan.

Kaligtasan at Kalusugan

Nananatiling pangunahing prayoridad ng SFUSD ang kaligtasan ng ating mga estudyante at kawani. Ikinasasabik namin na makabuo ng matitibay na pakikipagrelasyon sa isa’t isa sa ating mga paaralan, at sa gayon, makapag-aral ang mga estudyante sa ligtas at mapagkalingang kapaligiran.

Bukod rito, napakahusay ng nagawang trabaho sa pagpapabakuna ng ating komunidad ng San Francisco. Mahalagang bahagi ang pagkakaroon ng kinakailangang mga pagpapabakuna upang maprotektahan ang inyong anak at ang ating komunidad mula sa malubhang sakit. Alamin pa kung paano mapananatiling malusog ang inyong anak at ang ating mga komunidad sa paaralan sa pahina 4.

Mga Form

Bagamat may ilang bagay na bago at naiiba, may ilang bagay din na mananatiling pareho: sa bawat bagong akademikong taon, may mahahalagang forms na kailangan naming kolektahin mula sa inyo. Alamin pa ang tungkol sa listahan ng kinakailangang forms, kung paano makukuha ang mga ito, at kung paano maisusumite, sa pahina 2.

Pakikipagkomunikasyon at Pakikipag-partner sa mga Pamilya

Handa na ang lahat sa komunidad ng SFUSD na makipag-partner sa inyo upang mapaglingkuran ang ating mga estudyante. Alamin ang iba’t ibang paraan kung paano kayo maaaring maging kabahagi sa pagsuporta sa edukasyon ng inyong anak sa pahina 3. Nasa pahina 6 naman ang mga oportunidad sa pakikisangkot sa paaralan ng inyong anak at sa antas ng distrito.

Inaasahan ko ang lalo pang pangangalaga sa mga klasrum at paaralan na lipos ng kasiyahan, at kung saan matututo at uunlad ang ating mga estudyante.

Sumasainyo,
Dr. Matt Wayne, Superintendente

Magsimula na sa paghahanda para sa bagong akademikong taon!

Agosto 16, 2023 ang unang araw ng pagpasok.

Kompletuhin ang listahan ng mga gawain na ito bago ang unang araw ng pagpasok sa paaralan:

  • Tiyakin na natugunan na ng inyong anak ang lahat ng itinatakda para sa kalusugan at nakakuha na siya ng lahat ng pinakabago na kinakailangang pagpapabakuna. Bisitahin ang sfusd.edu/HealthRequirements para sa iba pang impormasyon.
  • Kompletuhin ang inyong Card para sa Pagkontak sa Panahon ng Emergency (Emergency Contact Card) para maugnayan namin kayo sakaling magkaroon ng emergency. Bisitahin ang sfusd.edu/EmergencyCard para sa iba pang impormasyon.
  • Isumite ang 2023-2024 na Form na Marami ang Gamit ukol sa Kita ng Pamily (Multipurpose Family Income Form, MFIF) ng SFUSD sa SchoolCafe.com upang maging kuwalipikado para sa mga benepisyo sa paaralan, makatulong na magkaroon ng mas malaking pondo para sa mga gamit o supplies sa klasrum, suweldo ng mga kawani ng eskuwelahan at marami pang iba, at sa gayon, masuportahan ang pag-aaral ng inyong anak. Bisitahin ang sfusd.edu/MFIF para sa iba pang impormasyon.
  • Kompletuhin ang form para sa pagkilala ng pagkakatanggap (acknowledgement form) na nasa ParentVUE at nang makumpirma na natanggap ninyo ang impormasyon na nasa pahina 3 ng mailer (ipinapadalang impormasyon) na ito, at kung paano makukuha ang Libritong Gabay ng mga Mag-aaral at Pamilya ng SFUSD (SFUSD Student and Family Handbook). Bisitahin ang sfusd.edu/acknowledgements para sa iba pang impormasyon at tutorials (bidyo na nagbibigay ng kaalaman).
  • Baguhin ang impormasyon sa pagkontak sa inyo sa ParentVUE at nang makatanggap ng mga abiso sa telepono, email, at text mula sa inyong paaralan at sa SFUSD. Bisitahin ang sfusd.edu/ContactInfo para sa iba pang impormasyon at tutorials ukol sa pagbabago ng impormasyon ukol sa pagkontak sa inyo sa ParentVUE.

2023-24 na Libritong-Gabay para sa mga Estudyante at Pamilya

Tingnan Online o Humiling ng Nakalimbag na Kopya

Ang Libritong-Gabay para sa mga Estudyante at Pamilya (Student and Family Handbook) ay mahalagang mapagkukunan ng tulong at impormasyon para sa inyo at sa inyong (mga) estudyante na nasa SFUSD. Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa inyong mga legal na karapatan, mapagkukunan ng tulong at impormasyon sa SFUSD, at ilang mahahalagang inaasahan sa akademikong gawain at pag-uugali ng mga estudyante ng SFUSD. Tingnan o i-download ang Libritong-Gabay o Handbook online sa anumang panahon sa sfusd.edu/handbook.

Para humiling ng papel na kopya ng Libritong-Gabay o Handbook, pakisagutan ang Google Form na nasa sfusd.edu/printHB-tg, o tumawag sa Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Estudyante, Pamilya, at Paaralan (Student Family School Resource Link) sa 415-340-1716, Lunes-Biyernes, 9 a.m.-tanghali at 1-3 p.m. Pakitandaan na ang nakalimbag na kopya ng Handbook ay hindi binabago ang kabuuan taon-taon; may karagdagang buod (summary addendum) na puwedeng makuha taon-taon upang masalamin ang mga pagbabago/pag-amyenda.

Pakitandaan na posibleng abutin nang 6-8 linggo para maipadala ang papel na kopya sa inyo.

ParentVUE

Manatiling may kaalaman ukol sa mga karanasan sa edukasyon ng inyong mga anak

Ang ParentVue ang aprubado ng SFUSD na online portal (mapapasukang website) na naghahandog ng may seguridad at pribadong pamamaraan upang makuha ang impormasyon sa paaralan ng inyong estudyante, kasama na ang:

  • Mga grado at report card (ulat ng mga asignatura at marka): Tingnan ang mga takdang gawain o assignment, pag-unlad, grado para sa term o takdang panahon ng pag-aaral (middle school at high school), at report card.
  • Online na aplikasyon at form: Mag-apply sa mga paaralan ng SFUSD, at isumite ang kinakailangang mga form at dokumento, tulad ng mga rekord sa pagpapabakuna at ang inyong emergency card.
  • Pagpasok sa klase: Tingnan ang pagpasok sa klase ng inyong anak.
  • Pakikipagkomunikasyon ng distrito at ng paaralan: Alamin kung paano babaguhin ang impormasyon para sa pagkontak sa inyo sa sfusd.edu/ContactInfo upang matiyak na matatanggap ninyo ang mahahalagang pag-aabiso ng paaralan at ng distrito.
  • Impormasyon para sa pagla-login ng estudyante: Tingnan ang impormasyon para sa pagla-login ng inyong estudyante sa mga digital learning platform (plataporma para sa pag-aaral sa pamamagitan ng internet) ng SFUSD.

Gawing aktibo ang inyong account sa pamamagitan ng pagpunta sa sfusd.edu/activate o alamin pa ang tungkol dito sa sfusd.edu/ParentVUE.

Nagsisimula ang mga Paaralang Nagtataguyod ng Kalusugan (Healthy Schools) sa Inyo

Mga Kinakailangang Pagpapabakuna

Tiyakin na makakukuha ang inyong anak ng lahat ng kinakailangang bakuna para sa pagpasok sa paaralan bago sumapit ang Agosto 16. Itinatakda ng batas ng estado (bit.ly/CAVaccineLaw) na magkaroon ang mga bata sa California ng ilang natukoy na pagpapabakuna para makapasok sa paaralan. Itinatakda sa mga paaralan na ipatupad ang mga pangangailangang ito, magtago ng rekord sa pagpapabakuna, at magsumite ng ulat. Posible na kailangang maghintay para makakuha ng appointment sa pagpapabakuna sa inyong tagabigay ng serbisyo sa pangangalaga o healthcare provider, kung kaya’t pakisimulan na ito sa lalong madaling panahon. Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa sfusd.edu/immunizations.

Pisikal na eksaminasyon para sa sinumang nasa TK, kindergarten o bagong estudyanteng nasa unang grado

Kailangang isumite ang dokumentasyong ito sa anumang panahon sa taon na nasa kindergarten o bago ang unang grado. Ang petsa ng pisikal na eksaminasyon ay hindi dapat mas maaga sa 6 buwan bago ang pagsisimula ng taon sa kindergarten. Kasama rito ang virtual (sa pamamagitan ng internet) na pagpapatingin sa doktor basta’t makokompleto ng doktor ang form ukol sa kalusugan (health form) batay sa virtual na pagpapatingin. I-download ang Mga Form ukol sa Kalusugan sa Paaralan (School Health) at Kalusugan ng Ngipin (Oral Health).

Kalusugan ng Ngipin o Oral Health (Pagpapatingin ng Ngipin o Dental Check-up)

Nakasaad sa batas ng California (Kodigo sa Edukasyon Seksiyon 49452.8) na kailangang magkaroon ng dental check-up o pagpapatingin ng ngipin ang inyong anak bago sumapit ang Mayo 31 ng kanyang unang taon sa pampublikong paaralan. Kailangang isagawa ang dental check-up ng propesyonal sa kalusugan ng ngipin na may lisensiya sa California at nagtatrabaho nang naaayon sa sakop ng kanyang gawain, at kailangan niyang sagutan ang Seksiyon 2 ng form na ito. Kung nagkaroon na ng dental check-up ang inyong anak 12 buwan bago siya magsimula ng pagpasok sa paaralan, hilingin sa inyong dentista na sagutan ang Seksiyon 2. Kung hindi ninyo magawang magkaroon ng dental check-up para sa inyong anak, sagutan ang Seksiyon 3.

Kaligtasan sa paaralan

Napakahalaga para sa SFUSD ng kaligtasan ng inyong estudyante.

Magmula pa noong 2022, nagagamit na ang Say Something Anonymous Reporting System (Magsalita, Isang Sistema ng Pag-uulat nang Hindi Nagbibigay ng Pangalan, SS-ARS) ng mga estudyante ng SFUSD na nasa ika-6 hanggang ika-12 grado at nasa middle school, K-8, at high school. Ang mga estudyante sa mga paaralang nailunsad na ang programa ay nakapag-uulat ng anumang uri ng malubhang pag-aalala ukol sa mga estudyanteng posibleng nahihirapan o maaaring maging bayolente.

Sa hindi inaasahang pagkakataon na magkaroon ng emergency sa paaralan ng inyong anak, alamin kung paano namin inaabisuhan ang mga pamilya. Upang matiyak na mauugnayan namin kayo, siguraduhin na pinakabago ang impormasyon sa pagkontak sa inyo na nasa ParentVUE at tama ang inyong emergency card.

Transportasyon

Nagkakaloob ang SFUSD ng ligtas at maaasahang transportasyon papunta at mula sa paaralan para sa mga kuwalipikadong estudyante at aktibidad, kasama na ang mga sumusunod:

  • Bangketa sa bangketang transportation (curb to curb) para sa mga estudyanteng may IEP
  • Pagbubus para sa Limitadong Pangkalahatang Edukasyon (Limited General Education) kung saan binibigyan ng prayoridad ang mga estudyanteng pinagtutuunan ng pansin (focal students), at nakabatay ang kapasidad sa dami ng pangangailangan
  • Suporta sa paaralan para sa pagpaplano at pag-iiskedyul ng mga Field Trip
  • Serbisyo ng bus para sa transportasyon sa mga biyahe ng may bayad, atletiko, at pansining na mga programa

Bisitahin ang sfusd.edu/transportation para sa iba pang impormasyon. Para sa mga tanong tungkol sa suporta para sa transportasyon, mangyaring mag-email sa SF Transportation team sa transportation@sfusd.edu.

Muni

Patuloy na patatakbuhin ng SFMTA ang “school trippers (mga espesyal na bus na magdaragdag ng serbisyo)” sa taglagas o fall. Katatagpuin ng mga bus na ito ang mga estudyante sa pagtatapos ng araw ng pagpasok sa paaralan sa mga lugar na malapit sa ilan sa pinakamalalaking middle school at high school ng lungsod.

Ipagpapatuloy ng Muni ang programa nitong Libreng Muni para sa Kabataan (Free Muni for Youth). Puwedeng sumakay ng MUNI ang lahat ng kabataang may edad na mas bata sa 19 nang walang pruweba ng pagbabayad. Para sa impormasyon ukol sa Libreng Muni, bisitahin ang sfmta.com/FreeMuni4Youth.

Libreng Pagkain para sa Lahat ng Estudyante ng SFUSD

Salamat sa Pagkain para sa Lahat sa California (California Meals for All), patuloy na ihahandog nang libre ang lahat ng pagkain sa paaralan sa lahat ng estudyante sa akademikong taon 2023-24. Ang California ang unang estado sa bansa na nagpatupad sa bagong programa na ito. Wala nang kinakailangang aplikasyon para makatanggap ang mga estudyante ng libreng almusal at tanghalian araw-araw.

Tingnan ang bell schedule (oras ng pagsisimula at haba ng klase) ng inyong paaralan para sa mga oras ng pagbibigay ng pagkain. Karaniwan nang naghahain ng almusal nang 20-30 minuto bago ang unang klase sa umaga.

Kung susulitin ng inyong anak ang libreng pagkain sa paaralan, makatitipid kayo ng oras at pera! Dahil sa inyong partisipasyon, napananatili ang pondong pederal dito sa San Francisco at nasusuportahan ang mga pagpapahusay sa programa ng paaralan sa pagkain.

  • Alamin pa ang tungkol sa masustansiyang pagkain sa paaralan sa sfusd.edu/SchoolFood.
  • Kailangan ba ng inyong pamilya ng pagkain? Tumawag sa 311 para makahanap ng iba pang opsiyon para sa libreng pagkain.

Pakikisangkot

Matatayog ang aming mga tunguhin o goal para sa mga estudyante ng pampublkong paaralan ng San Francisco. Kinikilala ng Polisiya Hinggil sa Pakikisangkot ng mga Magulang (Parent Involvement Policy) 6020 ng Lupon ng Edukasyon (sfusd.edu/BP6020) na ang mga pamilya ang una at pinakamaimpluwensiyang mga guro ng kanilang mga anak at malaki ang kontribusyon ng patuloy na pakikisangkot sa edukasyon ng kanilang mga anak sa natatamong tagumpay ng estudyante at sa positibong kapaligiran sa paaralan.

Ang SFUSD ay may pambuong distrito at pampaaralang tagapayo at pangkomunidad na mga pangkat, na nagdadala ng mga ideyang may pagkakaiba-iba o diverse, at nang makabuo ng mas komprehensibo at kabahagi ang lahat na plano para sa pagpapahusay ng paaralan. Gumagamit ng datos at direktang karanasan sa kani-kanilang paaralan ang pinaka-epektibong mga konseho at komite sa paggabay ng paggawa ng mga desisyon. Nagsasagawa sila ng magkakasamang pagsusumikap upang magkaroon ng awtentikong partisipasyon ang mga kawani at pamilya, mahigpit na makatrabaho ang mga principal o punong-guro at edukador ng paaralan, at makabuo ng mga solusyon na nasusubaybayan para matiyak ang pagiging epektibo.

 

Direktoryo

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Puwede ba ninyo akong matulungan sa...

Lugar at Impormasyon sa Pagkontak

Link sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga Estudyante at Pamilya (Student Family School Resource Link)

  • Helpline o Matatawagang Numero ng Telepono para sa mga estudyante, pamilya, at paaralan ng SFUSD

415-340-1716 (Lunes-Biyernes, mula 9 a.m. hanggang tanghali; 1:00 hanggang 3 p.m.)sflink@sfusd.edu

Opisina para sa Opisyal na Rekord ng Mag-aaral at Permit sa Pagtatrabaho (Transcript & Work Permit Office)

  • Mga transcript ng estudyante
  • Permit sa pagtatrabaho (Work permits)

20 Cook Street
415-340-1716 
sflink@sfusd.edu 

Mga Serbisyo para sa Nutrisyon ng mga Mag-aaral (Student Nutrition Services)

  • Programa para sa almusal at tanghalian
  • Mga aplikasyon para sa libre/murang tanghalian

415-749-3604
SchoolLunch@sfusd.edu

Sentro para sa Pagpapa-enroll (Enrollment Center) / Departamento para sa Maagang Edukasyon (Early Education Department)

  • Pag-eenroll ng mga estudyante (Grado PK-13)
  • Mga pagtatasa o eksamen sa wika
  • Mga pagbabago sa address

555 Franklin Street, Rm. 100
415-241-6085

TK-13: enrollinschool@sfusd.edu

PK: eedenrollment@sfusd.edu

Mga Serbisyo sa Transportasyon

  • Transportasyon para sa mga Plano para sa Pang-Indibidwal na Edukasyon (Individualized Education Plans, IEP)
  • Mga bus para sa Pangkalahatang Edukasyon (General Education)
  • Serbisyo para sa transportasyon ng bus para sa mga biyahe para sa programa

415-695-5505
transportation@sfusd.edu
(Lunes-Biyernes, 6:30 a.m. - 5:30 p.m.)

Serbisyo sa mga Estudyante at Pamilya

  • Mga mahabang suspensiyon (Expulsions)
  • Mga paghiling sa rekord

415-340-1716
sflink@sfusd.edu

Para sa higit pa, pumunta sa sfusd.edu/directory.

Paghahanda para sa Pagbabalik sa Paaralan

Posibleng panahon ng pagkabalisa at pananabik para sa mga bata ang pagbabalik sa paaralan o pagsisimula ng pag-aaral sa unang pagkakataon. Pag-aralan ang mga payong ito upang masuportahan ang inyong mga anak habang nagsisimula sila ng bagong akademikong taon.

  • Paghahanda: Praktisin ang mga ritwal tulad ng pagpili ng isusuot bago ang pagpasok sa klase. I-ayon ang mga iskedyul ng pagtulog ayon sa pangangailangan bago pa ang unang araw ng pagpasok sa paaralan.
  • Pagiging Nahuhulaan (Predictability): Magtakda ng nahuhulaan at simpleng mga iskedyul para sa linggo ng paaralan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dadalhin sa paaralan.
  • Pagkakaroon ng Pasensiya: Maging mapagpasensiya sa panahon ng transisyon ninyo at ng inyong mga anak, dahil posibleng magkaroon ng mga pagbabago sa pag-uugali kaugnay ng pakiramdam ng hirap o stress, o ng pagkabalisa.

At huwag kalilimutang magdiwang!

Manatiling may Ugnay sa Amin Ngayong Akademikong Taon!

Maraming paraan para manatiling may ugnay sa SFUSD:

  • Mag-subscribe sa lingguhang Family Announcement Bulletin (FAB) sa sfusd.edu/FAB.
  • Mag-subscribe sa buwanang newsletter para sa mga pamilya sa sfusd.edu/FamilyNewsletter.
  • Bisitahin ang aming website sa sfusd.edu. Hanapin ang website ng paaralan ng inyong anak sa pamamagitan ng pagbisita sa sfusd.edu/SchoolDirectory.
  • Manatiling konektado sa pamamagitan ng ParentVUE (tingnan ang pahina 3 para sa iba pang impormasyon).

Nasa Facebook, Twitter, at Instagram @SFUnified kami. Sundan kami sa Facebook sa Espanyol sa @SFUSDenEspanol.

This page was last updated on August 11, 2023