Ano-anong rekurso sa paggamit ng sariling wika (language access) ang makukuha ng mga pamilya ng SFUSD?
May pangako ang SFUSD na magkaloob ng mga serbisyo para sa de-kalidad at propesyonal na pagsasalin (nakasulat) at interpretasyon (pasalita) sa lahat ng pamilya. Repasuhin ang Polisiya ng Lupon (Board Policy) 5023 para sa balangkas ng mga itinatakdang pangangailangan sa ilalim ng Kodigo sa Edukasyon (Education Code) ng California.
Kung magulang/tagapatnubay kayo ng estudyante ng SFUSD at gusto ninyong humiling ng mga serbisyo sa pagsasalin (nakasulat) at/o interpretasyon (pasalita) mula sa amin, mangyaring repasuhin ang sumusunod na Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQs) at kontakin ang mga guro o administrador sa paaralan ng inyong anak.
Puwede rin ninyong kompletuhin ang isa sa mga form para sa paghiling (request form) na nakalista sa pinaka-ibabang bahagi ng webpage na ito kung hindi ninyo makontak ang inyong paaralan.
Kung empleyado kayo ng SFUSD at kailangan ninyo ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon para sa mga pamilya sa inyong paaralan, pakikompleto ang isa sa mga form na ito (kailangan ng pagla-login ng empleyado).
Mga Madalas Itanong
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pagsasalin (nakasulat) at interpretasyon (pasalita)?
Ang pagsasalin ang paglilipat ng kahulugan ng teksto mula sa isang wika tungo sa ibang wika, samantalang pinadadaloy naman ng interpretasyon ang pasalitang pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang indibidwal na hindi nagsasalita ng parehong wika.
Ano-anong uri ng dokumento ang isasalin ng distrito para sa mga magulang?
Isasalin ng distrito ang impormasyon na kasama ang mga sumusunod na uri ng dokumentong ipinagkakaloob sa mga pamilya, pero hindi nalilimitahan sa mga ito:
- Impormasyon ukol sa mga usapin sa espesyal na edukasyon
- Mga report card (ulat ng mga asignatura at marka) at iba pang ulat ukol sa pag-unlad sa gawaing akademiko
- Impormasyon tungkol sa pagdidisiplina at sa proseso ng pagdidisiplina
- Mga kahilingan para sa pahintulot ng magulang/tagapatnubay para sa partisipasyon ng estudyante sa mga programa at aktibidad na itinataguyod ng distrito/paaralan
- Mga promosyonal na materyales at anunsiyo na ipinamamahagi sa mga estudyante at naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng paaralan at ng distrito, kung saan kailangan ng pag-aabiso upang makalahok sa gayong mga aktibidad (halimbawa, pag-eeksamen, extracurricular o sa labas ng kurikulum, mga aktibidad na nangangailangan ng aplikasyon, kumperensiya ng guro at magulang, open house o pagbibigay-impormasyon na bukas sa lahat)
- Mga handbook o libritong-gabay para sa magulang/tagapatnubay
- Mga dokumentong may kinalaman sa pag-eenroll o pagpaparehistro
- Mga dokumentong may kinalaman sa mga akademikong opsiyon at pagpaplano
- Mga dokumentong may kinalaman sa mga patakaran ukol sa pag-eeksamen at humihiling ng pangkalahatang impormasyon ukol sa wika ng estudyante, mas gustong wika para sa pakikipagkomunikasyon ng magulang/tagapatnubay, at ukol sa proseso para sa pagtanggi sa lahat, o sa espesipiko lamang na mga serbisyo para sa EL
- Impormasyon na may kaugnayan sa pampublikong kalusugan at kaligtasan
- Anumang nakasulat na impormasyon na naglalarawan sa mga karapatan at responsibilidad ng mga magulang/tagapatnubay o ng mga estudyante, at ang mga benepisyo at serbisyo na puwedeng makuha ng mga magulang/tagapatnubay at estudyante
Ano-anong wika ang magagamit sa pamamagitan ng serbisyong ito?
Nagkakaloob ang SFUSD ng mga serbisyo sa pagsasalin sa Arabic, Tsino, Filipino (Tagalog), Samoan, Espanyol, at Vietnamese (pati na rin sa Ingles). Kung kailangan ninyo ng pagsasalin ng dokumento ng SFUSD sa wika na bukod pa sa mga nakalistang wika, pakikompleto ang isa sa mga form sa wika ninyo sa tahanan (na nasa pinaka-ibabang bahagi ng webpage na ito), o ipagbigay-alam ang tungkol dito sa kawani o administrador sa paaralan ng inyong anak.
Puwedeng humiling ang mga pamilya ng mga serbisyo sa interpretasyon sa mga pagtitipon na para sa kabuan ng paaralan, kung 15% o higit pa sa populasyon ng mga estudyante sa paaralan ang may iisang wika.
Paano makahihiling ang mga magulang/pamilya ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon?
Puwedeng humiling ang mga magulang ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon sa pamamagitan ng pagsusumite ng form para sa paghiling (request form) na nasa kanilang wika ng tahanan (may mga link na nasa pinaka-ibabang bahagi ng pahina). Mahigpit naming inirerekomenda sa mga magulang na kontakin ang mga guro at administrador sa paaralan ng kanilang anak para sa mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon.
(Para Lamang sa mga Pamilya ng SFUSD) Pagsusumite ng Kahilingan para sa Pagsasalin o Interpretasyon
Kung magulang/tagapatnubay kayo ng estudyante ng SFUSD at gusto ninyong humiling ng mga serbisyo sa pagsasalin (nakasulat) at/o interpretasyon (pasalita) mula sa amin, pakikompleto ang mga sumusunod na form sa wika ninyo sa tahanan. Dahil sa malaking bilang ng mga kahilingan at limitadong kapasidad ng mga kawani, hinihiling namin na ipagbigay-alam ninyo sa amin ang inyong mga kahilingan sa pinakamaagang posibleng panahon. Posibleng kontakin namin kayo at/o ang inyong paaralan upang matiyak ang impormasyon na ipinagkaloob ninyo.
Mga Form para sa Paghiling ng Pagsasalin (Translation Request Forms)
To request translation (written) services of documents related to your child's education:
Note that the documents must be issued by SFUSD.
- عربى - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- 中文 - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- English - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- Filipino Tagalog - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- Samoan - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- Español - Primarily Language Assistance Request form: Translation
- Tiếng Việt - Primarily Language Assistance Request form: Translation
Mga Form para sa Paghiling ng Interpretasyon (Interpretation Request Forms)
To request interpretation (oral) service for SFUSD school site or district wide meetings, such as ELAC, SST, family workshops, IEP meetings:
Note that the meetings must be organized by SFUSD, hosted/facilitated by SFUSD employees.
- عربى - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- 中文 - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- English - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- Filipino Tagalog - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- Samoan - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- Español - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
- Tiếng Việt - Primarily Language Assistance Request form: Interpretation
This page was last updated on August 8, 2022