Kung Paano Maisasalin ang Website na Ito

Sa kompyuter

Panoorin ang bidyo na ito o sundin ang mga hakbang na nasa ibaba upang matutunan kung paano gagamitin ang Google Translate widget kapag nagba-browse ng website ng SFUSD sa inyong laptop o kompyuter.

  1. Hanapin ang dropdown (mga mapagpipilian) na may pangalang Select Language (Piliin ang Wika) na nasa itaas na kaliwang bahagi ng website. Matatagpuan ito sa dark blue na bar
  2. I-klik ang Select Language (Piliin ang Wika) at piliin ang wika na gusto ninyo

Sa telepono

Panoorin ang bidyo na ito o sundin ang mga hakbang na nasa ibaba upang matutunan kung paano gagamitin ang Google Translate widget kapag nagba-browse ng website ng SFUSD sa inyong cellphone.

  1. Hanapin ang kulay puti na icon na may hindi Ingles na character at may “A,” na matatagpuan sa itaas na kanang bahagi
  2. I-klik ang icon. Piliin ang wika mula sa menu na makikita sa ibabang bahagi ng screen ng telepono.
  3. I-klik ang Done (Tapos na).

Posibleng kailangan ninyong mag-zoom out matapos piliin ang wika.