Mga Kahilingan Para sa Permisong Distrito sa Distrito (Interdistrict Permit Requests) Link to this section
(Kodigo sa Edukasyon ng CA 46600 at sumunod pa rito; Polisiya ng Lupon o Board Policy ng SFUSD 5117)
Ang magulang/tagapatnubay na residente ng San Francisco at gustong pumasok ang anak sa paaralang pampubliko na nasa labas ng San Francisco ay kailangang magsumite ng permisong distrito sa distrito sa Sentro para sa Pagbibigay ng Puwesto sa mga Institusyong Pang-edukasyon (EPC). Kailangang magdala ang magulang/tagapatnubay ng kasalukuyang pagpapatunay ng address ng tahanan sa San Francisco. Lingguhang ipoproseso at aaprubahan o tatanggahin ang mga permiso, at ipapadala sa hinihiling na distrito. Ang hinihiling na distrito ang siyang gagawa ng pinal na pag-aabruba.
Kung gusto ng estudyante na pumasok sa pampublikong paaralan sa San Francisco at hindi nakatira ang magulang /tagapatnubay sa San Francisco, kailangang kumuha ang magulang/tagapatnubay ng permisong distrito sa distrito mula sa kasalukuyan niyang tinitirhan na distrito para sa pampublikong paaralan (public school district of residence). Kinakailangan ang permisong distrito sa distrito para sa sinumang naninirahan sa labas ng San Francisco na gustong pumasok o patuloy na pumasok sa pampublikong paaralan ng San Francisco. Alinsunod sa anumang may bisa at kasalukuyang kasunduan para sa paglilipat na distrito sa distrito sa pagitan ng SFUSD at ng distritong tinitirhan, ang permisong distrito sa distrito ay taunang permiso at kailangang itinatago ito (on file) para sa bawat akademikong taon. Hindi magagarantiyahan ng pagpapa-enroll sa SFUSD ang mga estudyanteng na nakapaghain ng kahilingan para sa paglipat na distrito sa distrito.
Puwedeng maaprubahan ang mga permiso para sa pagpasok sa paaralan na nasa ibang distrito (interdistrict attendance) para sa mga sumusunod na dahilan:
- Para matugunan ng estudyante ang mga pangangailangan para sa pangangalaga ng anak.
- Nagtatrabaho ang magulang/tagapatnubay sa nasasakupan ng lungsod ng San Francisco.
- Kung may kapatid ang estudyante na pumapasok sa paaralan ng tumatanggap na distrito, para maiwasan ang paghihiwalay sa pagpasok ng pamilya.
- Para pahintulutan ang estudyante na kompletuhin ang akademikong taon matapos umalis sa distrito ng kanyang mga magulang/tagapatnubay habang hindi pa natatapos ang taon.
- Kung mayroong makatwirang interes sa isang partikular na programang pang-edukasyon na hindi inaalok sa distrito kung saan naninirahan ang estudyante.
- Ang estudyanteng natukoy ng kawani ng tinitirhang distrito o ng distritong gustong pag-enrolan, bilang biktima ng pambubully, ayon sa pagbibigay-kahulugan sa salitang ito ng subdibisyon (r) ng Kodigo sa Edukasyon ng CA 48900, na ginawa ng estudyante ng distritong tinitirhan, ay bibigyang-prayoridad, ayon sa kahilingan ng taong may legal na kustodiya ng estudyante, para sa pagpasok sa paaralan na nasa labas ng kanyang distrito, sa ilalim ng anumang kasunduan para sa pagpasok sa ibang distrito, o kapag walang ganitong kasunduan, ay bibigyan ng karagdagang konsiderasyon para sa paglikha ng kasunduan para sa pagpasok sa paaralang nasa labas ng kanyang distrito.
Mayroong Unang Prayoridad ang mga Residente ng SF
Nirerepaso ng EPC ang mga kahilingan limang linggo bago ang pagsisimula ng bagong akademikong taon (hindi mas maaga rito).
Una, kailangang gumawa ng EPC ng mga alok ng puwesto sa paaralan sa mga estudyanteng mula sa lungsod ng San Francisco. Inirerekomenda ng EPC na mag-enroll na ang mga estudyanteng hindi nakatira sa San Francisco sa distrito kung saan sila nakatira (district of residence), sakaling hindi mabigyan ng puwesto ng SFUSD ang bata sa hinihiling na paaralan.
Nakapagbibigay lamang ang EPC ng mga interdistrict na paglipat batay sa makukuhang espasyo, at inirereserba ng EPC ang karapatan na magpasya kung aaprubahan o hindi ang mga kahilingan para sa interdistrict na paglipat. Nirereserba rin ng EPC ang karapatan na limitahan ang bilang na papasok na estudyante at magtakda ng mga prayoridad batay sa mga uri ng kahilingan.
Bukod rito, hindi makapagbibigay ang EPC ng mga interdistrict na paglipat sa mga paaralang marami ang humihiling, kung baga, mga paaralang punong-puno na sa pagtatapos ng unang panahon ng pagbibigay ng puwesto (first placement period) o mga programang maapektuhan.
Proseso ng Pag-aapply
Para mag-apply para sa interdistrict na permit upang makapasok sa SFUSD, kailangan munang mag-apply ng magulang/tagapatnubay sa distrito kung saan siya nakatira. May kanya-kanyang indibidwal na takdang panahon ng mga gawain o timeline at kinakailangan ang bawat distritong pampaaralan. Kung sakaling maaprubahan ang permit at kapag naaprubahan na ito ng distritong tinitirhan, ipadadala ito sa EPC para sa pag-abruba. Aabisuhan ng EPC ang magulang/tagapatnubay sa pamamagitan ng koreo kung kailangan pa ng anumang dagdag na dokumentasyon, tulad ng pagpapatunay ng pagkaka-empleyo (employment verification).
Kasama ng iba pang kailangang dokumento para sa pagpapa-enroll, kailangan ding magsumite ng aplikasyon para sa pagpapa-enroll sa SFUSD, kung saan nakasaad ang address na nasa labas ng distrito.
Hindi bibigyan ng puwesto ang mga estudyanteng lumilipat mula sa ibang distrito sa pamamagitan ng regular na proseso ng pagtatalaga ng puwesto sa estudyante, at sa halip, isasagawa ito sa kalagitnaan ng tag-araw kung kailan nagsisimula ang pagbibigay ng puwesto na interdistrict.
Mga Estudyanteng may Kapansanan
Kailangang maaprubahan ang mga permit o pahintulot para sa mga estudyanteng tumatanggap ng mga serbisyo para sa espesyal na edukasyon ng Superintendente o ng kanyang itinalaga (ang Pinuno ng Espesyal na Edukasyon), bago ang pagbibigay ng puwesto. Batay sa Polisiya ng Lupon (Board Policy), kailangang i-renew o hlilingin ang patuloy na pagkakaroon ng bisa in permit na distrito sa distrito (interdistrict permit) sa bawat akademikong taon.
Mga Pamantayan sa Pag-apruba at Pagbawi ng Pagkakaabruba
Nakabatay ang pag-apruba sa interdistrict permit sa mga factor o salik tulad ng pagpapanatili ng estudyante ng katanggap-tanggap na pamantayan sa akademikong pag-unlad, pag-uugali, at/o pagpasok sa klase. atay sa mga pamantayang napagkasunduan, inirerekomenda ng mga principal (punong-guro) taon-taon ang pag-apruba at/o pagtanggi sa mga interdistrict permit. Puwedeng mabawi ang mga interdistrict permit nang dahil sa palsipikasyon ng ipinagkaloob na impormasyon sa aplikasyon para sa permit, kabiguang mapanatili ang katanggap-tanggap na mga pamantayan ng akademikong pag-unlad, pag-uugali, at/o pagpasok sa klase; o paglabag sa anumang iba pang itinatakda na nakatukoy sa kasunduan sa distrito at/o sa SELPA.
This page was last updated on November 14, 2022