5.5.8 Paggamit at Kaligtasan sa Internet -- Administratibong Regulasyon para sa mga Estudyante

Paggamit at Kaligtasan sa Internet -- Administratibong Regulasyon para sa mga Estudyante

i. Mga Layunin at Tunguhin para sa Kaligtasan sa Internet

  1. Naglalaan ang San Francisco Unified School District (“Distrito”) ng mga kompyuter, network ng kompyuter at Serbisyong Internet sa mga estudyante para sa tiyak at limitadong layunin na matupad ang mga tunguhin ng Distrito at magawa ang mga layuning pang-edukasyon nito. May karapatan ang Distrito na magtakda ng restriksiyon sa paggamit, at nang matiyak na sang-ayon sa limitadong layuning pang-edukasyon nito ang paggamit sa sistema.

ii. Mga Kondisyon at Patakaran sa Paggamit

  1. Ang mga estudyanteng gumagamit ng sistemang telekomunikasyon ng Distrito ay kailangang sumunod sa mga Administratibong Regulasyon na ito, kaugnay ng mga regulasyon ng Distrito at ng paaralan, at ng kodigong pandisiplina para sa estudyante, na tulad ng naitakda sa Libritong-Gabay Para sa mga Estudyante at Pamilya. Rerespetuhin ang karapatan sa nararapat na proseso ng lahat ng gumagamit kapag may hinala ng hindi angkop na paggamit ng sistemang Internet ng Distrito.
  2. Makatatanggap ang mga estudyanteng gumagamit ng sistemang Internet ng Distrito ng ligtas, etikal, legal, at responsableng paggamit ng Internet at sistemang Internet ng Distrito at ng kanilang mga karapatan at tungkulin sa ilalim ng Administratibong Regulasyon na ito.

 iii. Hindi Katanggap-tanggap na Gamit

Hindi katanggap-tanggap ang mga sumusunod na gawain sa mga gumagamit na estudyante ng network ng SFUSD ng mga gumagamit ng kompyuter ng Distrito, kabilang na ang mga estudyante. Ang mga gumagamit ng kompyuter ng Distrito ay hindi makagagawa, makapagbabahagi, maka-aakses, makagagamit, o makapag-iimbak ng impormasyon, o makalalahok sa anumang  gawain sa kompyuter, network ng kompyuter, at serbisyong Internet ng Distrito, kabilang na ang mga sumusunod, ngunit hindi limitado sa mga ito:

  1. Mga ipinagbabawal ng Batas o mga regulasyon ng Estados Unidos o California. Kabilang dito ang hindi awtorisadong pag-akses, kasama na ang “hacking,” “pag-transmit ng materyal na may karapatang-ari, nagbabanta o malaswang materyal, o materyal na protektado ng batas sa lihim na pangkalakal, mga kautusan ng Distrito o paaralan, ngunit hindi limitado sa mga ito;
  2. Ang mahalay, pornograpiko, o lantarang seksuwal, nakasisira tulad ng itinakda sa subdibisyon (a) Kodigo Penal Seksiyon 313, o nakakasama sa mga menor de edad tulad ng itinakda sa  Batas sa Proteksiyon ng mga Bata sa Internet (CIPA P.L. 106-554 – Titulo XVII – Seksiyon 1703 [tingnan ang talababa 1]).
  3. Ang cyberbullying (pambubully gamit ang internet), kabilang na ang sa transmisyon ng mga komunikasyon o pagpapaskil ng nakaka-harass na mensahe, tuwirang banta, o iba pang masamang salita, tunog o larawan sa Internet, sityo ng social network, o iba pang teknolohiyang digital gamit ang telepono, kompyuter, o alinmang wireless na kagamitang komunikasyon, ngunit hindi limitado sa mga ito. Kasama rin sa cyberbullying ang pagpasok sa elektronikong account ng ibang tao at pagkuha ng identidad ng taong iyon para mawasak ang kanyang reputasyon.
  4. Mailalahok ang Distrito o ang indibidwal sa kriminal, sibil, o administratibong pananagutan dahil sa paggamit, produksiyon, distribusiyon, akses o pag-iimbak nito (hal. mapanloko, mapanira, rasista, o nanlalait ng mga tao batay sa protektadong klasipikasyon, maituturing na seksuwal na pangha-harass atbp.)
  5. Lumalabag sa mga batas sa karapatang ari;
  6. Pinapayagan ang mga gumagamit ng network para makagamit ng di-awtorisadong akses sa mga sistemang komunikasyon, network o file;
  7. Pinapayagan ang ibang tao na walang balidong awtorisasyon para maakses ang impormasyong kumpidensiyal na nasa sa kompyuter ng Distrito o alinmang sistema ng pakikipagkomunikasyon, network, o file;
  8. Sinadya o pabayang nailantad ang password o account number ng gumagamit sa sinumang tao na walang awtorisasyong makita ang password o account number na iyon;
  9. Isiniwalat ang impormasyon tungkol sa  identipikasyong personal kaugnay ng menor de edad, bagay na labag sa patakaran ng Lupon,  kautusan at regulasyon ng Distrito, at batas na pang-estado at pederal;
  10. Paggamit ng kompyuter ng Distrito para sa pansariling komersiyal na gawain;
  11. Pagtatanggal sa Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya, (tulad ng software para sa pagba-block at pagfi-filter sa Internet), bagay na labag sa Administratibong Regulasyon na ito.

iv. Batas sa Proteksiyon ng Mga Bata sa Internet

  1. Sa pagsunod sa Batas sa Proteksiyon ng mga Bata sa Internet (CIPA P.L. 106-554, Titulo XVII, Seksiyon 1702, et seq., (“CIPA”)), pinapanatili ng Distrito ang Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya para gamitin sa sistemang Internet ng Distrito. Kinompigura ang Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya para protektahan laban sa biswal na akses ng materyal na mahalay, pornograpiya sa bata, at materyal na nakakasira sa menor de edad, tulad ng itinakda sa Batas sa Proteksiyon ng mga Bata sa Internet (“CIPA”). [tingnan ang talababa 1]
  2. Matatanggal ang Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya ng administrador o superbisor para sa gamit ng nakatatanda upang gumawa ng aprobadong saliksik o iba pang sunod-sa-batas na layunin.
  3. Hindi matatanggal ang Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya anumang oras na gumagamit ang mga estudyante ng sistema ng Internet ng Distrito, kung ang gayong pagtatanggal ay makakahinto sa pagprotekta laban sa pag-akses sa mga materyal na bawal sa ilalim ng Batas sa Pagbibigay-Proteksiyon sa mga Bata sa Internet.
  4. Pinapanatili ng Distrito ang kontrol sa pagpapasya kaugnay ng kaangkupan ng materyal para sa estudyante sa lahat ng oras.
  5. Titiyakin ng Distrito na ang Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya ay hindi makatwirang pumipigil sa pang-edukasyong gamit sa sistema ng Internet ng Distrito ng mga guro at estudyante at sa konstitusyonal na karapatan ng mga estudyante para maka-akses ng impormasyon at ideya. Bubuksan ng Distrito ang akses sa mga paaralan na hindi angkop na nahadlangan ng Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya.
  6. Sinumang estudyante na naniniwalang hindi angkop na  pinigil ng Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya ang impormasyong hinahanap niya ay dapat na itawag ito sa atensiyon ng guro. Rerebyuhin naman ng Grupong Tagapayo sa Panteknolohiyang Instruksiyon (Instructional Technology Advisory Group, ITAG) ang pahayag, at kung kailangan, aaksiyon sa loob ng makatwirang panahon.

v. Pangangasiwa at Pagmomonitor

  1. Pangangasiwaan at imomonitor ng mga kawani ang paggamit sa online network ng kompyuter at pag-akses sa Internet sa paraang angkop sa edad ng mga estudyante at mga sitwasyon ng paggamit, at ayon sa mga Patakaran ng Lupon, Administratibong Regulasyon ng Distrito, ng Batas sa Proteksiyon ng mga Bata sa Internet, at lahat ng aplikableng mga batas at regulasyong pederal, pang-estado at lokal. 
  2. Imomonitor ng Distrito ang paggamit ng Internet sa pamamagitan ng regular na pagsusuri ng paggamit sa Internet.

vi. Mga Hindi Angkop na Materyal

Bukod sa implementasyon ng Mga Hakbang sa Proteksiyong Panteknolohiya (Technology Protection Measure Device), patuloy na rerebyuhin ng Grupong Tagapayo sa Panteknolohiyang Instruksiyon (Instructional Technology Advisory Group, ITAG) ang mga praktika at pamamaraan para matiyak ang tuluyang pagsunod ng mga estudyante sa Patakaran sa Kaligtasan sa Internet at para masiguradong napipigil ang pag-akses sa mga hindi angkop na materyal.

vii. Gamit sa Klasrum

Ang impormasyong makukuha sa mga kompyuter, network ng kompyuter, at Internet na ginagamit sa silid-aralan ay kailangang sang-ayon sa patakaran ng Lupon at mga patakaran ng Distrito na namamahala sa pagpili ng mga gamit sa instruksiyon. Inaasahang gagamitin ng guro ang mga materyal sa klasrum at magbibigay ng takdang-gawain na angkop sa edad at may kaugnayan sa mga layunin ng kurso, rerebyuhin ang imormasyong ipakikita sa mga estudyante, gagabayan ang mga estudyante sa angkop na gawain sa pananaliksik, at tutulungan ang mga estudyante na masuri ang katumpakan ng naakses na impormasyon. Magbibigay ang kawani ng mga angkop sa pag-unlad na gabay sa mga estudyante sa paggamit nila ng mga rekurso sa telekomunikasyon at impormasyong elektroniko. Sasabihan ng mga kawani ang mga estudyante tungkol sa kanilang tungkulin bilang gumagamit ng kompyuter, network ng kompyuter, at serbisyong Internet ng Distrito. Pananagutan ng mga estudyante na sumunod sa lahat ng kautusan ng paaralan, kabilang na ang mga patakaran sa paggamit ng kompyuter at serbisyo para sa kompyuter ng Distrito. Titiyakin ng mga administrador at guro sa paaralan na angkop na napapangasiwaan ang mga estudyanteng gumagamit ng kompyuter. Gayunman, hindi magagarantiyahan ng paaralan na tuwirang napapangasiwaan nito ang bawat estudyante sa lahat ng oras.

viii. Ekspektasyon ng Pagiging Pribado

  1. Ang Distrito ang may-ari ng lahat ng kailangang hardware at software at iginigiit ang karapatan nitong gumawa ng mga pagrerebyu at gamitin ang pagmamay-ari nito sa anumang oras sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa sistema at sa mga kagamitan nito, at sa anumang impormasyong naroroon. Walang maaasahang pagkapribado ang mga gumagamit ng network. Inirereserba ng Distrito ang mga karapatang  rebyuhin, kopyahin, baguhin, burahin, at ibunyag sa ikatlong partido ang alinmang materyal na nilikha, inimbak, o inakses sa ilaim ng alinmang account ng gumagamit at i-monitor, rebyuhin, at suriin ang anumang file sa kompyuter. Ang mga file na sako ng probisyong ito ay puwedeng matagpuan sa anumang file o e-mail server, workstation ng kompyuter, backup na media, natatanggal na media, floppy disk, o anumang imbakan ng file na matatagpuan sa mga sistema ng Distrito para malaman kung di-angkop ang mga espesipikong gamit sa network.Walang maaasahang pagkapribado ang mga gumagamit sa laman ng kanilang personal na mga file at rekord na nakaimbak sa mga sistema ng Distrito, o sa kanilang mga gawaing online na nakaimbak sa mga sistema ng Distrito, habang ginagamit ang sistema ng Distrito.
  2. Makagagawa ng mga pagsisiyasat ang Distrito sa media/mga kagamitan ng Distrito na ginagamit ng estudyante. Bilang kondisyon ng paggamit ng teknolohiya o mga kagamitan ng Distrito, pumapayag ang mga estudyante at magulang sa gayong pagsisiyasat at pagmomonitor ng mga sistema ng Distrito.

ix. Komunikasyong Elektroniko

  1. E-Mail ng Estudyante. Mabibigyan ang mga estudyante ng electronic mail/email account ng Distrito para sa layuning pang-instruksiyon o mapapayagang gumamit ng personal na account mula sa taga-serbisyong hindi mula sa Distrito. Angkop na papangasiwaan ang mga estudyante at puwedeng i-monitor ng mga kawani sa lahat ng pagkakataon ang paggamit nila ng e-mail.
  2. Walang estudyanteng gumagamit ang puwedeng gumawa ng alinman sa mga sumusunod na gawaing ilegal: 
    • Hindi tatangkain ng estudyante na ilegal na makapasok sa sistema ng Internet ng Distrito o sa iba pang sistema ng kompyuter gamit ang sistema ng Distrito, o pumunta sa lagpas sa kanilang awtorisadong pag-akses. Kabilang dito ang pagtatangkang pumasok gamit ang account ng ibang tao o ma-akses ang mga file ng ibang tao.
    • Hindi gagawa ang mga estudyanteng gumagamit ng sinadyang pagsubok na guluhin o sirain ang datos sa pamamagitan ng pagkakalat ng virus sa kompyuter o iba pang paraan.
    • Hindi gagamitin ng mga estudyanteng gumagamit ang sistemang Internet ng Distrito para gumawa ng anumang ilegal na gawain, tulad ng pag-aayos ng bentahan ng bawal na gamot o pagbili ng alak, paglahok sa mga ilegal na gawain ng gang, pagbabanta sa buhay ng tao, at iba pa. 
  3. Kailangang sumunod ang lahat ng estudyanteng gumagamit sa mga sumusunod na Mabuting Asal sa Network (Network Etiquette): 
  • Ang pagbabawal ng hindi angkop na wika ay para sa lahat ng salita na ginagamit sa sistema ng Internet ng Distrito, kabilang na ang mga mensaheng pampubliko, pribadong mensahe, at materyal na ipinaskil sa mga pahinang web, ngunit hindi limitado sa mga ito. 
  • Hindi magpapaskil ang mga gumagamit na estudyante ng mga malaswa, mapagmura, mahalay,  bulgar, bastos, nakakagalit, nagbabanta, o hindi magalang na wika.
  • Hindi magpapaskil ang mga estudyanteng gumagamit ng impormasyong kung makalilikha ito ng pinsala o may panganib na makagulo, sakaling magbunsod ng pagkilos.
  • Hindi lalahok ang estudyanteng gumagamit sa mga atakeng personal kabilang na ang mga may prehuwisyo at diskriminatoryong atake. 
  • Hindi mangha-harass ang mga estudyanteng gumagamit ng iba pang tao. Ang pangha-harass ay ang patuloy na pagkilos sa paraang nakakaligalig o nakaiinis sa kapwa. Kapag sinabihan ng ibang tao ang gumagamit na huwag na silang magpadala ng mensahe, dapat na silang tumigil.
  • Hindi sadya o walang pakundangang magpapaskil ang mga estudyanteng gumagamit ng mali o mapanirang impormasyon tungkol sa isang tao o organisasyon.
  • Hindi magpapadalang muli ang estudyanteng gumagamit ng mensaheng ipinadala sa kanila sa pribadong paraan nang walang permiso ng taong nagpadala sa kanila ng mensahe.
  • Hindi maglalabas ang estudyanteng gumagamit ng anumang personal na impormasyon sa pagkontak tungkol sa sarili o iba pang indibidwal nang walang nakasulat na pahintulot ng magulang/ tagapatnubay ng estudyante, at pagsusumite ng gayong pahintulot kasama ng kanilang guro.

x. Mga Chat Room

Kokontrolin ng Distrito ang akses sa mga chat room sa lahat ng oras. Walang estudyante na makaka-akses sa chat room nang walang pahintulot ang guro ng estudyante.

xi. Seguridad ng Sistema

  1. Responsibilidad ng mga estudyanteng gumagamit ang paggamit sakani-kanilang indibidwal na account at dapat gawin ang lahat ng makatwirang pag-iingat para hindi magamit ng iba ang kanilang account, kabilang na ang pagpoprotekta sa pagkapribado ng kanilang password.
  2. Agad na i-uulat ng estudyanteng gumagamit sa administrador ng sistema kung nakatukoy siya ng posibleng problemang panseguridad. Hindi maghahanap ng problemang panseguridad ang mga estudyanteng gumagamit, dahil baka mapagkamalan itong ilegal na pagtatangka na maka-akses.
  3. Iiwasan ng estudyanteng gumagamit ang hindi sadyang pagkakalat ng mga virus ng kompyuter sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamamaraan ng proteksiyon sa virus ng distrito.  

xii. Mga Ligtas na Network at Mga Rekord na Kumpidensiyal

Kumpidensiyal ang mga rekord ng estudyante at kawani sa mga sistema ng Distrito. Sinumang nag-aakses ng mga rekord na ito ay sumasang-ayon na panatilihing kumpidensiyal ang lahat ng impormasyon sa rekord at gamitin lamang ito sa mga layuning lehitimo. Pinangangasiwaan ng mga polisiya ng Lupon, mga regulasyon ng Distrito at mga makabuluhang batas at regulasyong pederal, pang-estado at lokal ang pag-akses sa rekord ng estudyante at kawani.

xiii. Mga Inaasahan sa Pagkapribado at Kaligtasan sa Komunikasyon

1. Susundin ng mga estudyanteng gumagamit (user) ang mga sumusunod na pamatayan para sa pagkapribado at kaligtasan sa komunikasyon kapag gumagamit ng sistema sa kompyuter ng Distrito, kabilang na ang paggamit ng email, chat room, at iba pang anyo ng direktang komunikasyon, at ng Internet.

  • Hindi puwedeng ibunyag, gamitin, o ikalat ang impormasyon tungkol sa  personal na pagkontak sa ibang menor de edad na estudyante nang walang nakasulat na pahintulot ng magulang/tagapatnubay ng estudyante. Kabilang sa impormasyon sa personal na pagkontak ang pangalan ng estudyante, kasama na ang iba pang impormasyon na magpapathintulot sa indibidwal na mahanap ang estudyante, at kasama rito pangalan ng magulang, address o lokasyon, o numero ng telepono, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito.
  • Hindi sasang-ayon ang mga estudyanteng gumagamit na makipagkita sa taong nakilala online nang walang pahintulot at paglahok ng kanilang magulang.
  • I-uulat ng mga estudyanteng gumagamit sa kanilang guro o iba pang kawani ng paaralan ang anumang mensaheng inaakala nilang hindi angkop o nakakaligalig. 
  • Hindi dapat burahin ng mga estudyanteng gumagamit ang gayong mga mensahe hangga’t sa mabigyan siya ng instruksiyon ng ikawani.

xix. Pamamahala ng Karapatang-ari

  1. Posibleng  magpaskil ang kawani ng Distrito ng likha ng kawani sa website ng Distrito upang mabilis na makuha ito ng mga estudyante at/o kawani. Kailangang mabigyan ang mga Administrador ng Distrito ng abiso tungkol sa gayong pagpapaskil at pag-angkin ng likha. Sa pagpapaskil ng likha sa Website ng Distrito, nagbibigay ang kawani ng hindi eksklusibong lisensiya o permiso sa sinumang kawani o estudyante sa Distrito para sa malayang paggamit ng nabanggit na likha. 
  2. Magbibigay ng gabay ang Distrito sa mga kawani at estudyante hinggil sa kanilang mga karapatan at pananagutan kaugnay ng mga karapatan sa karapatang-ari ng ibang tao.
  3. Walang materyal na maipamamahagi sa sistema ng mga kompyuter ng Distrito o maipapaskil sa web site ng Disrito maliban na lamang kung ang materyal ay orihinal, nasa dominyong publiko na, ginamit ayon sa mga probisyon ng makatwirang paggamit ng batas sa karapatang-ari, o ipinamahagi o ipinaskil nang may permiso ng may hawak ng karapatang-ari.

xx. Pahintulot sa Karapatang-ari

Saklaw ng mga patakaran at umiiral na batas sa karapatang-ari ng Distrito ang mga materyal na makukuha sa mga network ng kompyuter at Internet ng Distrito. Sa muling paglalathala ng teksto o grapiks sa Internet, ang Punong Opisyal sa Teknolohiya (Chief Technology Officer) o ang kanyang inatasan para sa pag-apruba sa Internet ay kailangang may nakasulat na pahintulot mula sa may-ari upang gamitin ang anumang likhang protektado ng karapatang-ari. Bukod rito, kailangang may tala na kinikilala ang orihinal na may-likha at kung paano at kailan naibigay ang pahintulot, o kailangang may nakalimbag na katunayan upang maitala ang estadong nasa dominyong publiko na ang materyal.

xxi. Pag-akses mula sa Malayo

Magagawa lamang ang pag-akses sa mga may-seguridad na network ng kompyuter ng Distrito mula sa ibang lokasyon, maliban sa mga paaralan o tanggapan ng Distrito, sa pamamagitan ng mga  nakasegurong linya ng komunikasyon na aprubado ng Distrito, at mapahihintulutan lamang ng Punong Opisyal sa Teknolohiya. Anumang modem na nakakabit sa kompyuter ng Distrito ay kailangang may pahintulot ng Punong Opisyal sa Teknolohiyao ng kanyang inatasan. Makukuha ang pampublikong impormasyon ng Distrito sa Internet. Lahat ng patakaran at proseso ng Distrito ay sinusunod sa sistema ng mga computer ng District, mula man sa malayo o sa mismong site.

xxii. Mga Garantiya

Walang anumang garantiya ang Distrito, hayag man o pahiwatig, hinggil sa ibinibigay nitong mga serbisyo para sa sistema ng kompyuter. Hindi responsable ang Distrito sa anumang pinsala na maaaring matamo ng gumagamit nito. Kabilang dito ang pagkawala ng datos dahil sa pagkaantala, kawalan ng paghahatid (no-deliveries), o pagkaputol ng serbisyo dahil sa kapabayaan ng Distrito, o kamalian o pagkaligta ng gumagamit. Partikular na itinatatwa ng Distrito ang anumang pananagutan kaugnay ng katumpakan o kalidad ng impormasyong galing dito. Dapat isaalang-alang ng lahat ng gumagamit ang pinagkunan ng impormasyong nakuha nila.

xxiii. Limitasyon ng Pananagutan (Limitation of Liability)

Para sa ilang estudyante, posibleng hingin ng Distrito ang paggamit ng kompyuter bilang bahagi ng programang pang-edukasyon. Hindi tinatanggap ng Distrito ang kakulangan sa akses sa kompyuter o serbisyo ng Internet. Sa anumang sistemang kompyuter, maaaring mawala ang datos, maputol ang serbisyo, at hindi tumpak o hindi mapagkakatiwalaan ang impormasyon. Walang anumang garantiya ang Distrito sa serbisyo sa kompyuter o datos, at hindi ito masisingil para sa anumang nawalang trabaho sa mga kompyuter ng Distrito. Hindi responsable ang Distrito sa pinansiyal o iba pang obligasyon na magmumula sa hindi awtorisadong paggamit ng mga kompyuter ng Distrito o ng Internet. 

Binubuksan ng Internet ang mundo ng mahahalagang impormasyon sa mga estudyante. Gayunman, ang ilang impormasyon sa Internet ay maituturing na hindi angkop o makasasama sa kabataan. Ipinababatid sa mga magulang at tagapatnubay na walang kontrol ang Distrito sa mga impormasyong makukuha sa Internet at limitado ang abilidad nito sa pagkontrol ng akses sa mga hindi angkop na impormasyon. Hinihikayat ang mga magulang/ tagapatunubay na kausapin ang kanilang mga anak hinggil sa inaasahang angkop na mga gawain sa Internet.  

Naglagay na ang Distrito ng Mga Hakbang para sa Proteksiyon ng Teknolohiya (tulad ng software para sa pagfi-filter o pagba-clock) na  pansala o pangharang sa mga materyal na bastos, pornograpiko, o masama sa menor de edad. Gayon pa man, posibleng hindi sapat ang mga ito sa pagprotekta sa menor de edad sa pag-akses sa mga hindi angkop na materyal. Anumang paglalagay o pagtatanggal ng gayong software na para sa pagsasala o pagfifilter o paghaharang o pagba-block ay nasa pasya ng Distrito at limitado ng batas pederal at hindi tinatanggal sa sinumang gumagamit ng kompyuter ang kanyang personal na pananagutang huwag mag-akses ng hindi angkop o nakasasamang mga materyal. Inaabisuhan ang mga magulang/tagapatnubay na posibleng bumili o gumamit ng serbisyo ang estudyante gamit ang mga sistema ng kompyuter na pag-aari ng Distrito, kung saan posibleng managot ang magulang/tagapatnubay ng estudyante. Hindi mananagot ang Distrito sa paggamit o pag-akses ng estudyante sa Internet na labag sa mga patakaran ng Distrito.

xxiv. Pagsasara ng Iyong Account

Sa pag-alis sa Distrito (kung baga, paglipat, pagtatapos, at iba pa), lahat ng estudyanteng gumagamit ay kailangang abisuhan agad ang kanilang administrador ng sistema o ang Departamento ng Mga Serbisyo sa Impormasyon at Teknolohiya (Information Services and Technology Department) sa (415) 241-6476. Pagkaraan ay hindi na magiging aktibo ang iyong account.

xxv. Disiplina para sa Paglabag sa Administratibong Regulasyon

  1. Ang Distrito ay ganap na makikipagtulungan sa mga opisyal na lokal, pang-estado o pederal sa anumang pagsisiyasat kaugnay ng, o tumutukoy sa, anumang ilegal na gawain sa pamamagitan ng sistema ng Internet ng Distrito.
  2. Ang hindi angkop na paggamit, kabilang na ang anumang paglabag sa mga kondisyon at patakaran, ay posibleng magbunga ng aksiyong pandisiplina.
  3. Kung may pangyayari kung saan may alegasyong lumabag ang estudyante sa Administratibong Regulasyon, isasagawa ang pagdidisiplina sa estudyante ayon sa itinatakda ng mga patakaran at regulasyon sa pagdidisiplina ng estudyante.

----------------------

[talababa 1]
Binigyang depinisyon ng CIPA at ng Kodigo ng Estados Unidos ang mga kasunod na termino: Ang mahalay, bilang terminong binigyang-depinisyon sa seksiyon 1460 sa Kodigo ng Estados Unidos. Ang Pornograpiya ng Bata (Child Pornography, ayon sa pagbibigay-depinisyon sa terminong ito sa seksiyon 2256 ng titulo 18, Kodigo ng Estados Unidos. Mapanganib sa Menor de Edad. Nangangahulugan ang terminong “mapanganib sa menor de edad” ng alinmang retrato, imahen, file ng grapikong imahen , o iba pang biswal na depiksiyong:
  • 1. Sa kabuuan at kaugnay ng mga menor de edad, umaakit ng mahalay na interes sa kahubaran, sex, o pagdumi;
  • 2. Nagpapakita, naglalarawan, o nagrerepresenta, sa litaw na nakababastos na paraan kaugnay ng kung ano ang angkop sa menor de edad, aktuwal o gagad na normal o kakatwang gawaing sexual, o mahalay na pagpapakita ng mga ari; at
  • 3. Sa kabuuan, walang literaryo, artistiko, politikal, o siyentipikong halaga sa mga menor de edad.
Gawaing Seksuwal/Seksuwal na Kontak. Ang mga terminong “gawaing seksuwal” at  “seksuwal na kontak” ay may kahulugang ibinigay sa mga terminong ito sa seksiyon 2246 ng titulo 18, Kodigo ng Estados Unidos.
 

This page was last updated on December 7, 2022